Bangkay ng OFW na pinatay sa Saudi naiuwi na

Share

Nakauwi na sa bansa ang bangkay ng 32-anyos na overseas Filipino worker (OFW) na umanoy pinatay ng isang African national na katrabaho ng biktima sa Saudi Arabia.

Mula sa tulong ng Migrant Workers Office, Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) at Embassy sa Saudi Arabia ay naiuwi na si Marjorette Garcia.

Ayon kay Department of Migrant Workers (DMW) officer-in-charge Undersecretary Hans Leo Cacdac, isang napakasakit na pangyayari ang mag-uuwi ng bangkay mula sa isang bansa na kung saan isang OFW ang nasawi na isang senseless act of violence.

Kasama ni Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) chief Arnell Ignacio ang pamilya ng  biktima na nagsundo sa Ninoy Aquino International Airport bandang 10:30 Biyernes ng umaga.

BASAHIN  FOI bill binuhay ni Robin

Sinabi pa ni Cacdac hindi nila pababayaan ang naulilang pamilya, particular na ang dalawang anak ng biktima.

Matatandaang sinaksak si Garcia ng kanyang Kenyan co-worker sa Saudi matapos ang mainitang pagtatalo na umanoy selos at inggit sa employer ang dahilan ng pagpatay sa biktima.

Dadalhin ang mga labi ni Garcia sa San Jacinto, Pangasinan

IBA PANG BALITA

‘Gapos gang’ binuwag ng EPD

NABUWAG kaagad ang bago pa lamang namamayagpag na ‘gapos gang’ matapos itong masukol sa isinagawang operasyon ng Eastern Police District (EPD) nito lamang Hulyo...

iACADEMY student secures prestigious FDCP film assistance grant

AN aspiring student filmmaker from iACADEMY has secured a major financial and developmental boost for her upcoming cinematic project after being named a recipient...

BIR, South Korea’s KOICA turn over enhanced electronic invoicing system to boost tax digitization

THE Bureau of Internal Revenue (BIR) and the Korea International Cooperation Agency (KOICA) officially marked the completion of the Electronic Invoicing and Sales Reporting...

New ₱150M packaging hub to boost Caraga MSME competitiveness

LOCAL micro, small, and medium enterprises (MSMEs) in the Caraga Region are set to receive a major competitive boost with the official launch of...

New chemotherapy center opens in Rizal

TAYTAY, Rizal — In a major breakthrough for local healthcare, the Taytay Chemotherapy Center has officially opened its doors on L. Wood St., Brgy....

Taas-singil sa kuryente, nakaamba ngayong Enero

Magkakaroon ng 'minimal' o bahagyang pagtaas sa singil sa kuryente ngayong buwan. Ito'y ayon kay Meralco Spokesman Joe Zaldarriaga, dahil sa pagsirit ng presyo ng...