NAG-RENEW nitong Biyernes ng ekslusibong kontrata si Regine Velasquez sa ABS-CBN.
Labis na nagpapasalamat ang Asia’s Songbird dahil sa patuloy na pagtitiwala ng Kapamilya
network sa kanyang mga proyekto.
Aniya, “I’m just really, really thankful. I’m still here and I just want to continue to do well. Ngayon
kasi mas kumakanta ako, kasi ‘yon ‘yung gusto ko gawin. Now I just want to concentrate on
singing doing concerts. I love doing ASAP, variety show. Although, pangarap ko pa ring maging
bold star, hindi man lang sexy star, bold star.”
“Hindi kaya ‘siksik star’?” tanong ng isang netizen.
Noong 2018, lumipat si Regine sa ABS-CBN. Magmula noong, marami nang pagsubok ang
pinagdaanan ng singer-actress.
“Even up to now, we still struggle, pero kahit na nakikita kong meron pa ring gano’n, we still do
our best to serve the people the best way we can. Sa akin, palakpak ako sa mga boss kasi iba
rin kayo ha. Kahit alam kong hirap kayo, you’re still doing your best so you can provide jobs for
all of us. That’s a big thing for me,” paliwanag ni Regine.
Matatandaang tinanggalan ng prangkisa ng Kongreso ang ABS-CBN noong 2020. Pero
naniniwala siyang isa lamang itong hamon at hindi isang setback. Kailangan daw kasing
dumaan sa mabibigat na pagsubok ang isa para lalong maging matibay.