33.4 C
Manila
Thursday, November 7, 2024

2 Rapist nalambat sa Manhunt OPS ng NPD

Nasakote sa magkahiwalay na manhunt operation ang dalawang manyakis na binata na  parehong wanted sa kasong panggagahasa sa menor-de edad sa Cavite at Malabon City.

Nagawang matunton ng mga tauhan ng Navotas police sa kanyang pinagtaguang lugar sa Piela St., Fatima Height Subdivision, Brgy. Sampaloc 3, Dasmariñas, Cavite, si alyas “Reynaldo” 31-anyos, residente ng Brgy. NBBS Probper, Navotas City matapos takasan ang kasong puwersahang panghahalay na isinampa laban sa kanya.

Sinabi ni Navotas police chief P/Col. Mario Cortes na naaresto ng Warrant and Subpoena Section sa pangunguna ni P/CMS Ronie Garan ang akusado na nasa Top 9 Most Wanted Person (MWP) ng NPD bandang 5:05 ng umaga matapos makatanggap ng impormasyon na nakita sa Cavite ang nagtatagong suspek.

Hindi naman pumalag ang akusado nang isilbi sa kanya ang warrant of arrest na inilabas ni Judge Cecilia B. Parallag, Presiding Judge ng Navotas Family Court Branch 9 kaugnay sa kasong Rape by Sexual Assault at Acts of Lasciviousness na may kaugnayan sa paglabag sa R.A 7610 o ang Child Abuse Law.

BASAHIN  Seguridad sa panahon ng Kuwaresma sa MM tiniyak ng PNP

Samantala,  iniulat ni Malabon police chief P/Col. Jay Baybayan  ang pagkakadakip sa 30-anyos na si alyas “Luis” bandang 10:30 ng gabi sa Dulong Hernandez St. Brgy. Catmon.

Sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ni Presiding Judge Abigail Santos Domingo-Laylo ng Malabon City Family Court Branch 4 sa kasong Statutory Rape.

Walang inirekomendang piyansa ang hukuman para sa pansamantalang paglaya ng akusado na nasa talaan ng No. 7 MWP ng NPD at No. 2 naman sa pinaka-wanted na kriminal sa Malabon City.

Napag-alaman na hindi na umuwi sa kanilang tirahan sa No.9 B Mango Road, Brgy. Potrero ang akusado nang ireklamo ng panggagahasa sa menor-de-edad na bata hanggang may magbigay ng impormasyon sa pulisya na madalas makita sa Brgy. Catmon ang akusado na nagresulta sa pagkakadakip sa kanya.

BASAHIN  Binata kritikal sa pananaksak ng kabarangay sa Malabon

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA