Nakadale ng aabot sa P9,567.99 halaga ng kawad ng PLDT cable wire ang nakumpiska mula sa isang nagpakilalang line man na umanoāy miyembro ng āSpaghetti Gangā at nagtatrabaho ng madaling araw para makapagnakaw ng napagkakakitaang kable na may tanso, kamakalawa sa Malabon City.
Nakilala ang suspek na si alyas āBertā 40-anyos, residente ng Corregidor St. Brgy 203, Zone 18, Tondo, Manila at nagpakilalang Line man ng PLDT.
Nabuking ang trabaho ng suspek nang mahuli ng mga opisyal ng barangay na aktong nagpuputol ng kawad ng telepono sa McArthur Highway, Brgy. Potrero, bandang 12:30 ng madaling araw.
Nakasaad sa ulat nina P/SSg. Bengie Nalogoc at P/Cpl Rocky Pagindas na isinumite kay Malabon police chief P/Col. Jay Baybayan, nagpapatrulya sina Jason Edora at Edgardo Velasco, kapwa tanod ng Barangay Potrero nang matiyempuhan ang suspek habang nagpuputol ng kawad ng PLDT sa lugar.
Nang sitahin, nagpakilalang lineman ng PLDT si Bert pero dinala pa rin sa Malabon Police Sub-Station para sa imbestigasyon
hanggang sa dumating si Adonis Palabay, 42-anyos, Security Inspector-Junior Asset Protection Specialist ng PLDT at sinabing hindi konektado sa kanilang kompanya ang suspek.
Nakuha sa suspek ang ginagamit na dalawang metal na lagari at mga putol na malalaking kawad ng telepono na nagkakahalaga ng P9,567.99 na gagamiting ebidensiya ng pulisya.
Kasalukuyang nakakulong ang suspek at sinampahan ng kasong pagnanakaw at paglabag sa R.A. 10515 o ang “Anti-Cable Television and Cable Internet Tapping Act sa piskalya ng Malabon City.