33.4 C
Manila
Monday, December 23, 2024

Hindi kasal sina Francis M. at Pia – PSA

HINDI kasal sina master rapper Francis Magalona at Pia Magalona!

Ito ay kung totoo nga at hindi peke ang dokumento na diumano ay mula sa Philippine
Statistics Authority (PSA) na wala silang anomang record ng kasal ng dalawa noong 1995.
Mali ang record ng isang website na 1985 daw ikinasal sina Francis at Pia.


Parang apoy na kumakalat ngayon sa social media ang dokumento na diumano, nilagdaan
ni Claire Dennis S. Mapa, Ph.D ng National Statistician and Civil Registrar General
Philippine Statistics Authority (PSA). Ayon pa kay Mapa, wala diumanong record ng
kasalan ang nangyari sa pagitan ng dalawang nabanggit na personalidad magmula 1945-
2023, inclusive. Ang certificate at lumabas nitong Oktubre 27, 2023.


Hanggang sa ngayon, hindi pa rin opisyal na tinatanggap ng BraboNews ang balita
tungkol sa PSA certification ng kasal, hanggang wala pang matibay na katibayan na
nagmula nga ito sa ahensya.

BASAHIN  House, iimbestigahan ang ‘korapsyon’ sa PUVMP


Ito kaya ay tila ganti sa bashers nina Francis at Abegail Rait, pati na sa anak nilang si
Cheska?


Kung totoo ngang sa Hong Kong ikinasal sina Francis at Pia noong 1995, dapat ay ini-
report nila ito sa Philippine Consulate sa Hong Kong para nai-rehistro sa PSA.


Ayon sa website ng Philippine Embassy sa Berlin, ano mang kasal ng Pilipino sa bansang
ito o kahit na saang bansa na may Philippine Embassy o Consulate, ay dapat maipa-
rehistro sa loob ng isang taon. Kapag lumipas na ang isang taon, kailangang mag-execute
ng affidavit ang ikinasal na nagpapaliwanag sa dahilan nang delay. Kapag hindi nila
ginawa ito, walang anumang opisyal na record sa PSA ang kasal.


Samantala, kung totoo ngang dati nang ikinasal si Pia sa isang sundalo bago 1995, sinabi
ng isang legal researcher na bale-wala ang kasalang Francis-Pia sa Hong Kong, dahil
hindi kinikilala ng ating gobyerno ang bigamy o pagkakaroon ng dalawang legal na
asawa. Kung walang record sa PSA ang unang kasal ni Pia, ito kaya ay hindi naipa-
rehistro sa PSA?

BASAHIN  Gsis coverage ng sk, Barangay officials, Isinusulong

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA