33.4 C
Manila
Monday, December 23, 2024

GH Night market bukas na

Binuksan na sa publiko ang Green Hills Night Market na magbibigay ng aliw at makakatikim ng mga authentic streetfoods na patok sa masa ang matatagpuan sa G strip Parking ng Greenhills Mall, San Juan City.

Pinangunahan nina Dio Ortigas; Trina Chan, Ortigas Malls AVP at Head ng Office Business Unit; Alex Ortigas; San Juan City Vice Mayor Angelo Agcaoili; Amanda Zamora; San Juan City First Lady Keri Zamora; San Juan City Mayor Francis Zamora; Roco Zamora; Arch. Renee Bacani, Vice President and Head of Ortigas Malls; Davee Zuniga, Ortigas Malls Chief Finance Officer; at James Candelaria AVP ng Greenhills Mall Operations and Head of Trade Fairs.

Nakiisa rin ang mga piling kabataan mula sa White Cross Orphanage na tumanggap ng maagang pamasko mula sa GH night market at sa alkalde.

The Greenhills Night Market is the go-to destination for Christmas shopping in San Juan.

BASAHIN  Asian gold medalist kinilala sa San Juan

““Bringing the joy back to our families experiencing the season of christmas specially now we’re basically post pandemic,” ayon kay James Candelaria.

Makikita sa night market ang mga samu’t saring nagsisikatang street foods at rides na patok naman sa mga bata at isip bata at may live music at magagandang holiday décor, patok din sa GH Night Market ang lively marketplace ng mga pili at patok na pagkain at unique products mula sa ibang bansa.

Nagsimula ang programa ng ceremonial lighting ng Night Market, mayroon ding Lighter Side Movement Choir at dance showcase mula sa LED Buganda Dancers na kaaaliwan ng mga bisita at mamimili.

Tampok din sa GH Night Market ang Bargain hunting para sa mga murang halaga at de kalidad na klase ng mga damit at accessories.

Mayroon ding Fun kiddie rides and games, kaya puwedeng magdala ng bata para sumakay sa fun kiddie rides na tulad ng carousel, ferris wheel, at ibang games tulad ng dart balloon at bottle hoop kapalit ng stuffed toys.

BASAHIN  Electric cars, aabot ng 7-m sa 2030

Ang GH Night Market ay bukas mula 5:00 ng hapon hanggang 12:01 ng medaling araw hanggang sa December 31, 2023.

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA