33.4 C
Manila
Wednesday, January 22, 2025

National school-wide free WI-FI, kasama sa digital education

MATAPOS ang paglulunsad ng Digital Education 2028 o Digi-Ed ng Department of
Education (DepEd), muling isinulong ni Senador Win Gatchalian ang digital transformation
sa sektor ng edukasyon na susuporta sa naturang programa ng DepEd.


Nakapaloob sa Digital Transformation Digital Transformation of Basic Education Act
(Senate Bill No. 383) sa Republic Act (RA) No. 10929 o ang Free Internet Access in Public
Places Act.


Sa ilalim ng naturang panukala, magiging mandato sa Department of Information and
Communications Technology (DICT) na pabilisin ang paglalagay ng libreng public Wi-Fi sa
lahat ng mga pampublikong paaralan sa bansa.


Sa ilalim ng DepEd Dig-Ed na inilunsad sa 49th Philippine Business Conference and Expo
ng Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI), sinabi ng DepEd na sisikapin

nito ang pagkakaroon ng School-Wide WiFi sa buong bansa sa tulong ng iba’t ibang
service providers.


Umabot sa 2,000 mga paaralan ang nabigyan na ng satellite link para sa Wi-Fi internet
connectivity at 25 na paaralan naman ang napili para subukan ang proof of concept ng
American company na Starlink, ayon kay Vice President at Education Secretary Sara
Duterte.

BASAHIN  Revilla, nagbabala sa SIM-for-sale modus


Nakasaad din sa panukalang batas na dapat paigtingin ng DepEd ang pagpapatatag sa
kakayahan ng mga paaralan pagdating sa kanilang information and communications
technology (ICT) upang magpatupad ng distance learning.


Sa ilalim din ng panukalang batas, magiging mandato sa Department of Science and
Technology (DoST) na tulungan ang DepEd at DICT sa paggamit ng agham, teknolohiya,
at inobasyon para gawing moderno ang pag-aaral at pagtuturo, at upang ihanda ang
sektor ng edukasyon para sa Fourth Industrial Revolution.


“Hindi na natin maiiwasan ang paggamit ng teknolohiya sa pag-aaral at pagtuturo, lalo na’t
naging malinaw sa atin ang mga aral noong kasagsagan ng pandemya. Sinusuportahan
natin ang pagpapalawak ng paggamit ng teknolohiya sa DepEd, kaya naman patuloy
nating isusulong ang mga panukalang batas na magpapalaganap ng inobasyon sa pag-
aaral at pagtuturo,” ani Gatchalian, Chair, Senate Committee on Basic Education.#

BASAHIN  BSK Elections: Botante sa 10 Taguig barangays, hindi makaboboto?

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
87,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA