Ilang Pilipino sa Gaza, ayaw ng Repatriation

0

SA 134 na Pilipino na nasa Gaza Strip, 43 lamang ang nagparehistro para sa repatriation.
Sa ngayon, dalawa pa lamang na Pilipino, na kapwa doktor ang nakaalis mula sa Gaza.


Ayon sa ulat ng ating Department of Foreign Affairs (DFA) nitong Sabado, maraming mga
Pilipino ang ayaw umalis ng Gaza dahil ayaw nilang iwan ang kani-kanilang asawang
Palestinian at mga anak. Ito ay dahil ipinagbabawal ng Israel sa Palestinian nationals na
umalis sa Gaza, maliban na lamang sa mga may malulubhang kundisyon na kinakailangan
ng pagpapa-ospital.


Ayon pa sa DFA, mayroong 136 na mga Pilipino ang na-trap dahil sa araw-araw na
pambobomba ng Israel sa ilang matataong lugar Gaza sa loob ng mahigit tatlong linggo.
Sa bilang na ito, sina doctors Darwin Dela Cruz at Regidor Esguerra, miyembro ng
Médecins Sans Frontières (Doctors without Borders), ang tanging nakarating sa Egypt sa
pamamagitan ng Rafah Crossing, nitong Miyerkules.


Nakatanggap na ng clearance mula sa gobyerno ng Israel ang 134 iba pa, kaya pwede na
silang makaalis ng Gaza, ayon kay DFA USec. Eduardo De Vega.


Ayon sa ating embahada sa Egypt, masyado raw kumplikado at mapanganib ang paglikas
mula sa Gaza, dahil kailangang ang clearance mula sa awtoridad ng Israel bago

makalikas. Tanging 500 katao lamang na mga banyaga ang pinapayagang makaalis ng
Gaza bawat araw.


Sa loob ng mahigit tatlong linggong digmaan sa pagitan ng Israel at Hamas terrorist group,
umabot na sa mahigit 9,500 ang napapatay na Palestinians, pati na mahigit sa 3,000 mga
bata at 1,500 mga Israeli. Samantala, apat na Pilipinong caregiver na ang nasawi dahil sa
digmaan.


Ayon sa Arab News, umabot na sa 800,000 – isang milyong katao ang lumikas patungong
timog ng Gaza Strip, pero 350,000 – 400,000 ang nananatili sa hilaga. Wala ring naiulat
na hinaharang ng Hamas ang mga trak na naglalaman ng relief goods.

About Author

Show comments

Exit mobile version