33.4 C
Manila
Monday, January 20, 2025

‘Single’ si Francis m. Nang nakipagrelasyon kay Rait

KABIT, mistress, maninira ng pamilya!
Ito ang ilan sa mga masasakit salita na ipinaratang sa dating flight attendant na si Abegail Rait,
ang dating nakarelasyon ni master rapper Francis “Kiko” Magalona, na kung saan nagkaroon
sila ng isang anak, si Gail Francesca o Cheska, 15-anyos.


Sinabi ng ilang fans nang yumaong master rapper na kung sino ang walang kasalanan, siya
ang pumukol ng unang bato kay Abegail. Idinugtong pa nila na maraming mga netizens ang
naglilinis-linisan na akala mo sila’y mga santo’t santa, pero mas marumi pa ang uri ng
pamumuhay nila.


Nitong Nobyembre 2, binasag ni Abegail ang kanyang pananahimik sa pamamagitan ng isang
paliwanag sa YouTube.


Wala raw mali sa paglantad ng anak nila ni Kiko na si Cheska, dahil totoo namang anak nila ito
ng master rapper.

BASAHIN  Malaysian national huli sa ₱25.3-M shabu sa NAIA


Wala rin daw siyang sinisirang pamilya dahil alam niyang “single” noon si Francis nang sila’y
nagkarelasyon.

“Dalaga po ako noong naging kami ni Kiko. Wala na po siya sa family residence nila for nine
years. And wala po akong na-violate na batas sa Pilipinas kasi single po ang marital status ng
partner ko hanggang sa kamatayan niya,” ani Abegail na inilabas sa Pep.ph.


“Ito na lang din pong tanong ang gusto kong maliwanagan—kung kabit po ako, nanira ng
pamilya, sana may maglakas ng loob na magsabi na wala na sila ni Pia nung dumating ako sa
buhay niya [Kiko].


May lumabas din na balitang kasal si Pia Magalona sa ibang lalaki bago sila nagpakasal
diumano ni Francis sa Hong Kong noong 1995. Kung totoong dati ng may-asawa si Pia bago
sila ikinasal sa Hong Kong, maliwanag na walang bisa ang kasalang ito dahil hindi kinikilala ng
ating gobyerno ang bigamy. Tanging ang unang kasal lang ni Pia sa ibang lalaki ang legal,
kung ito nga ay totoo.

BASAHIN  Wow, Philippines rebranding

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA