33.4 C
Manila
Tuesday, January 21, 2025

6,500 pamilya magugutom, ‘pag inalis ang Motorcycle taxi

MARIING kinondena kamakailan ng United Motorcycle Taxi Community (UMTC) ang plano sa
Kongreso na tuluyan nang alisin ang kanilang grupo sa mga lansangan ng Metro Manila.


Ito ay dahil sa isinusulong ngayon ni Manila Rep. Rolando Valeriano, chair, House Committee
on Metro Manila Development sa Mababang Kapulungan ang panukalang gagawin na lamang
tatlo ang pilot program ng motorcycle taxis, at hindi kasali rito ang UMTC.


Ayon kay Romeo Maglunsod, tagapagsalita ng UTMC, mawawalan ng kabuhayan ang 6,500
pamilya kung makalulusot ang panukalang ito, at maaaring magdulot pa nang depresyon at
paglago ng krimen sakaling wala ng makain ang pamilya ng mga miyembro.


Sinabi pa ni Maglunsod na kailangan ang mas maraming trabaho, hindi ang pagpatay sa mga
trabaho, sa gitna nang lumalalang kawalan nito at patuloy na pagtaas ng presyo ng bigas at iba
pang pangunahing bilihin.

BASAHIN  Kahera tinalakan ng amo, nanaksak


Balak ng grupo na magsagawa ng isang kilos-protesta sa mga susunod na araw laban sa
panukala ni Valeriano para maunawaan ng Kongreso ang implikasyon nang panukalang batas
na mag-aalis sa kanilang karapatan na makapagtrabaho.


“Kung ipapasara niya ang Move It, mawawalan kami ng trabaho at papaano naman sila
pakakainin?” tanong ng UMTC.


Samantala, hinihiling ni UMTC representative Jet Cruz sa mga kongresista na mambabatas na
ilagay nila ang kanilan sarili sa lugar ng mga mawawalan ng trabaho. Dapat daw nilang gamitin
ang kanilan kapangayarihan sa pagboto para mabigyan ang MC taxi riders ng mga
karagdagang oportunidad na magbubukas at pagpapasigla sa buong MC industry.

BASAHIN  15-K pulis ipapakalat para sa Nazareno 2024


Kapag mas marami raw ang kumpetisyon, makikinabang ang riding public dahil magiging mas
mababa ang halaga ng pamasahe, pagtatapos ng UMTC.

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA