Dead on the spot ang apat na lalaki matapos tumilapon at magkalasug-lasog ang katawan makaraang humaharurot pauwi ang sinasakyang kotse at sumalpok sa isang malaking van habang binabagtas ang kahabaan ng Marcos Highway, Barangay Mayamot, Antipolo, Rizal, Lunes ng madaling araw.
Sa report ng Antipolo Police, naganap ang road crash accident bandang 3:00 ng madaling araw sa kahabaan ng Marcos Highway na ikinasawi ng apat katao, kabilang ang driver ng Honda Civic na may plakang WJW929 na minamaneho ni Juanito Cataylo y Magsino, 22-anyos at tatlong sakay nito na sina
Kidrock John Magsino, 21-anyos, Lawrence Ivan Jose, 21-anyos at Ereneo Balmonte, 22-anyos, pawang mga residente ng Antipolo City
Ayon pa sa report, sumalpok ang kotse sa isang Isuzi wingvan truck na may plakang CBN 3039 na minamaneho Glen Gumban y Magsino, 48-anyos, residente ng Marikina City
Base sa imbestigasyon ng pulisya, kapwa binabagtas ng dalawang sasakyan ang kahabaan ng Marcos Highway patungong Sta. Lucia East Grandmall direction, nang mag-over take ang driver ng Honda sa kanan ng 2nd lane mula sa 3rd lane habang ang van ay nasa 2nd lane at doon na sumalpok sa kaliwang bahagi ng likuran ng van.
Nakita rin sa imbestigayon mula sa skid mark na mabilis ang takbo ng Honda kaya sumalpok ito sa van at sabay-sabay silang tumilapon at namatay on the spot.
Kasalukuyang iniimbestigahan pa ang kaso.
Ang driver ng truck ay kasalukuyang nasa kustodiya ng Antipolo Custodial Facility at isinasailalim pa sa interogasyon kung kakasuhan ito.