33.4 C
Manila
Monday, December 23, 2024

Mahusay na edukasyon, para sa maunlad na pamayanan

SINABI ni Senador Christopher “Bong” Go na ang isang mahusay na sistema ng edukasyon ay
haligi ng isang umuunlad na pamayanan.


Nitong araw ng eleksyon, Lunes, nang bumoto si Go sa Barangay at Sangguniang Kabataan
elections sa isang paaralan sa Lungsod ng Davao, idiniin niya ang pangangailangan na patuloy
na mag-invest ang gobyerno para sa pagpapahusay ng sektor ng edukasyon, lalo na ang mga
pasilidad nito.


Si Go ay miyembro ng Senate Committee on Basic Education. Sinabi niya na patuloy niyang
susuportahan ang pag-construct ng mga paaralan at pagsasaayos o renovation ng iba para
mapahusay ang kalidad ng edukasyon ng kabataan.


“Ang ganda ng compound nila pero ‘yung classroom medyo [luma] na. ‘Yung bubong, baka may
tulo na ‘yan. So ako naman ayaw kong mangako. Bilang senador, sa abot ng aking makakaya,
magtutulungan po kami ni Congressman (Vincent) Garcia para maisaayos po ang ating mga
eskwelahan,” ani Go.

BASAHIN  Aprubahan ang power supply agreement – Gatchalian


“Importanteng kumportable ang mga bata habang nag-aaral sila lalo na nag-a-adjust pa tayo
from online classes to face-to-face classes ulit. Malaking adjustment po ang ginawa ng ating
mga school authorities [noong pandemya],” dagdag pa niya.


Matatandaang nag-file si Go sa Senado ng Senate Bill No. (SB) 1190 para palawakin ang
layunin at maabot ng Special Education Fund (SEF). Ang panukalang batas ay naglalayon nang
mas malawak pa sakop ng SEF, pati na ang paggamit nito, para mabigyang-kapangyarihan ang
mga lokal na pamahalaan na makapag-laan ng pondo para sa mga gusali ng paaralan, training
ng mga guro, at pagbili ng mga kinakailangang gamit pang-edukasyon.


Bukod sa inisyatibong ito, naging co-author din si Go ng SB No. 1864, o ang Student Loan
Payment Moratorium During Disasters and Emergencies Act. Ito ay dinisenyo para

BASAHIN  “Laugh Philippines?”

makapagbigay ng tulong sa mga estudyante na nanghiram ng pondo pero hindi makabayad
dahil naging biktimina sila ng kalamidad at iba pang hindi inaasahang emergencies.

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA