33.4 C
Manila
Saturday, December 21, 2024

3 Pinoy films sa Los Angeles film fest

NAPUNTA sa center stage ang tatlong pelikulang Pilipino sa kaunaunahang Manila
International Film Festival in Los Angeles, California, na ginanap simula Nobyembre 2.


Sinabi ni MMFF Overall Chairman Don Artes sa isang pre pre-launch press conference sa Los
Angeles na ito ang unang hakbang para mabigyan nang pagkilala ang talento ng ating mga
artista at mga pelikula.


“We believe in the talent of our filmmakers and we know that our local film industry just needs
exposure and more opportunities to showcase them. This is the primary reason why we are
expanding MMFF to show these films not just in local cinemas but also to the international
audience,” ayon kay Artes.

BASAHIN  Search, rescue ops sa 3 nawawalang pinoys sa israel


Nais din daw ng MIFF na maging bahagi ng Pasko ng ating mga kababayan ang festival na ito.
Ang tatlong pelikula na panonoorin ay: About Us, But Not About Us, starring sina Romnick
Sarmenta at Elijah Canlas, sa direksyon ni Jun Lana. Ito ang nagwagi ng Best Picture sa 2023
Summer MMFF.


Ikalawa ang Here Comes The Groom, starring sina Enchong Dee, Miles Ocampo, at
Kaladkaren, sa direksyon ni Chris Martinez Ikatlo ang Love You Long Time, starring sina Carlo Aquino at Eisel Serrano, sa direksyon ni JP Habac.


Nagpahayag pasasalamat ang mga direktor at mga artista ng tatlong pelikula dahil nabigyan
sila nang pagkakataon na ipakita sa ating mga kababayan sa abroad ang mga pelikulang
makapagbibigay-aliw sa kanila habang malayo sa Pilipinas.

BASAHIN  Lansakang pagpatay sa Catholic Schools sa Canada

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA