33.4 C
Manila
Monday, December 23, 2024

Ease of paying taxes bill, aakit ng dayuhang investors

SINABI ni Senador Win Gatchalian na ang pagsasabatas ng panukalang Ease of Paying Taxes
Act ay magtutulak ng direct foreign investments (DFIs) at magpapahusay sa bentahe ng
Pilipinas bilang isang investment destination.


Aprubado na ng bicameral conference committee ang panukala at naghihintay na lang ng lagda
ng Pangulo.


“Inaasahan natin na mas maraming mamumuhunan ang mahihikayat na magtatag ng negosyo
sa bansa kung magiging mabilis at madali sa kanila ang paraan ng pagbabayad ng buwis,” ani
Gatchalian.


“Ang digitalization ay ang pinakamahalagang aspeto ng panukalang batas na ito. Layon din nito
na imandato ang Bureau of Internal Revenue na magtatag ng digitalization roadmap na
isusumite sa Kongreso at regular na ia-update,” sabi ni Gatchalian sa ginanap na 2nd SGV Tax
Symposium kamakailan.


Ayon sa senador, ang pag-institutionalize sa digitalization ng BIR ay nagtitiyak na ang
pagpapatupad ng programa ay magpapatuloy sa mga susunod na taon.

BASAHIN  Magtipid sa kuryente – Gatchalian


“Isa sa mga hindi magandang gawi natin sa bansa ay ang pabago-bagong mga polisiya sa
tuwing magbabago ng administrasyon. Nagbabago ng mga plano, roadmap, at mga proyekto.
Mas madalas kaysa sa hindi, ito ay nakakadiskaril sa proseso ng implementasyon dahil ganap
nilang binabago ang sistema, ang vendor, o ang supplier na nakakadiskaril sa proyekto,”
pagdiriin ni Gatchalian.


Sinabi rin niya na ang naturang digitalization roadmap ay sumasailalim sa regular na pagsusuri
ng Kongreso upang matiyak ang patuloy na pagpapatupad ng mga proyekto.


“Ang nakikita namin ngayon ay gawing mas madali para sa mga medium-sized na foreign
companies na magtayo ng kanilang negosyo sa bansa. Kailangan nating gawing mas madali
para sa kanila ang ating tax system at maging tax compliant sa pinakamadaling paraan,” ani
Gatchalian.

BASAHIN  2% lang sa mga Pinoy, may financial literacy—Gatchalian

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA