INIANUNSYO ng Commission on Elections (Comelec) kahapon na aabot sa 91,094,822
botante ang inaasahang boboto sa sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa
Lunes, Oktubre 30.
Ayon kay Comelec Chair George Erwin Mojica Garcia, sa datos na inilabas ng Elections
Records and Statistics Department ng ahensya, 67,839,861 ang mga botante para sa barangay at
23,254,961 sa Sangguaniang Kabataan.
Gagawin ang eleksyon sa 81 probinsya sa bansa, na kung saan mayroong mahigit 42,000
barangay sa loob ng 149 siyudad at 1,485 munisipalidad. Mayroong kabuuang 37,341 voting
centers na may 201,993 clustered precincts.
Samantala, tatlong paaralan ang sinunog kamakailan ng mga hindi pa nakikilalang salarin sa
magkahiwalay na insidente sa Maguindanao at Lanao del Norte, ayon sa Comelec.
Naganap ang sunog sa Ruminimbang Elementary School, Brgy. Ruminimbang, Barira,
Maguindanao. Nasunog din ang Dalican Pilot Elementary School sa may Poblacion, Dalican,
Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Sur.
Nagsasagawa pa nang imbestigasyon ang mga awtoridad para matukoy ang sanhi ng sunog at
kung ito nga ay isang kaso ng arson.