Pinay caregiver, iniligtas ang 95-anyos na israeli

0

TOTOONG-TOTOO para sa mga Israeli na nananalaytay sa ugat ng mga Pilipino ang dugong
bayani.


Hindi pa natatagalan, isinakripisyo ng Filipina nurse na si Angeline Aguirre ang kanyang
buhay nang hindi niya iniwan ang kanyang pasyenteng si Nira, habang lumulusob ang grupong
Hamas sa kanilang bahay sa Southern Israel. Ayon sa ulat, may pagkakataon siyang tumakas
para iligtas ang kanyang buhay pero hindi niya iniwan ang kanyang alaga. Kapwa sila pinaslang
ng teroristang grupo. Kinilala siya bilang bayani ng Israel.

Sa ulat kahapon, dahil sa pagiging kalmado at mataktika, nailigtas ng caregiver na si Camille de
Salva sa Megan, Israel ang kanyang alaga pati na ang kanyang sarili.


Ito ay matapos silang lusubin ng ilang miyembro ng Hamas group ang kanilang bahay. Pilit na
nakapasok sa loob ng bomb shelter ang isang Hamas fighter, na kung saan nagtatago ang mag-
amo..


Ayon sa report ng GMA-7, ang pakiramdam noon ni Camille, hindi na niya makikitang buhay
ang kanyang pamilya sa Nueva Ecija.


Ayon pa kay Camille, “’Yung lalaki, nagagalit na. ‘Yung kanyang mukha nagagalit. Ang sabi
ko, “Sir please I’m so sorry. She’s so old, she does not know what she’s doing. Please no, be
patient,” like that. Tapos kumalma.”


Agad na inilabas ni Camille ang kanyang ipon na ipadadala sana sa pamilya sa Pilipinas at
ibinigay sa Hamas fighter.


At nang wala nang maipaking pera si Camille, umalis na kaagad ang fighter.
Lubos na nagpapasalamat ang pamilya ni Nira dahil sa pagiging kalmado, sa pagkakaroon ng
lakas ng loob, at tapang na ipinakita ni Camille sa harap ng napipintong kamatayan.


Samantala, ayon kay Ilan Fluss, Ambassador ng Israel sa bansa, tatanggap ng burial assistance at
buwanang pinansiyal na tulong ang pamilya ng apat na manggagawang Pilipino na nasawi sa
Israel-Hamas conflict. Sinabi ng embahada na itinuturing ang apat na Pilipino bilang
mamamayan ng Israel kaya sila ay tatanggap nang halos parehong benepisyo.

About Author

Show comments

Exit mobile version