500K Pabahay sa New Clark City

0

MAGTATAYO ang gobyerno ng 500,000 bahay sa 9,450 ektaryang lupain sa New Clark City (NCC),
simula sa taong ito.


Ito ay matapos lagdaan noong Hulyo 10 ang isang kasunduan sa pagitan ng Department of
Human Settlements and Urban Development (DHSUD) at Bases Conversion and Development
Authority (BCDA).


Lumagda sa isang sa isang memorandum of understanding (MOU) sina DHSUD Secretary Jose
Rizalino Acuzar, BCDA chairman Delfin Lorenzana, at BCDA president and CEO Joshua Bingcang na
nagsasa-pormal ng kasunduan sa pagitan ng kani-kanilang ahensya. Ang proyekto ay nasa ilalim
ng Pambansang Pabahay para sa Pilipino (4Ps) Housing Program ni Pangulong Ferdinand Marcos
Jr. .


Ayon kay Acuzar, ito ang sagot para mabawasan ang pagsisikip ng populasyon sa urbanisadong
lugar sa paligid ng NCC.


Ayon pa kay Acuzar, mayroon na raw mga pasilidad ang gobyerno rito, kailangang lang dalhin ang
mga tao rito para mapasigla ang ekonomiya. Idinagdag pa niya na sa paglalagay ng abot-kayang
pabahay – na may potentiyal na trabahong naghihintay malapit sa lugar – makaaakit ang pabahay
ng maraming buyers.


Samantala, ayon kay Bingcang, kapag naging fully-developed na ang NCC, magiging komportable
itong tahanan sa tinatayang 1.2 milyong residente.

About Author

Show comments

Exit mobile version