33.4 C
Manila
Wednesday, January 22, 2025

P150-k pabuya, para mahuli ang nagnakaw ng iphone

MULA P100,000, naging p150,000 na ang pabuya!


Itinaas ni Cainta, Rizal municipal administrator Keith Nieto nitong weekend ang pabuya sa
sinomang nakapagsusuplong sa nagnakaw ng iPhone ng isang basketball player sa One Cainta
Arena, nitong Huwebes.


Sinabi ni Nieto na nanonood siya ng inter-department basketball league sa One Cainta Arena
nitong Huwebes, nang may nakiusap na magpakuha ng larawan na kasama siya. Agad na nag-
volunteer ang suspek na siya na ang kukuha ng larawan.


“I told you, I’m not interested in getting back what you stole. You are the one I want to meet,”
dagdag ni Nieto.


Sinabi pa ni Nieto na gumamit pa ang suspek ng telegram app para ma-kontak ang may-ari.
Ang akala raw ng suspek ay mababawasan ang kanyang kasalanan kung isosoli niya ito sa may-
ari.

BASAHIN  Dating hepe ng PNP-PIO, QCPD chief na


Inilahad ni Nieto na may taong gustong magpa-picture kasama siya at si Vice-Mayor Ace
Serbillon, nag-volunteer daw ang suspek para gawin ito. Yumuko daw ito sa harap ng bangko
ng mga player at may nakakita sa kanya nang kunin ang iPhone. Pero, tuloy daw na hiniling ng suspek ang cellphone ng taong gustong magpa-picture, para hindi siya mahalata, pero nasa
kamay na raw niya ang iPhone.


“You get out immediately. After the game, the player discovered that his phone was missing.
That’s when the three people who saw you spoke,” pagtatapos ni Nieto.


Ayon sa isang netizen, dapat daw may staff ng munisipyo o barangay na nagbabantay sa lahat
ng gamit ng players na nasa iisang lugar, para hindi na nangyari ang pagnanakaw. Kahit daw sa
simbahan daw may nagnanakaw, sa basketball tournament pa kaya?

BASAHIN  Markadong High Value Individual na mag-live-in partner tiklo sa damo

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
87,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA