33.4 C
Manila
Saturday, November 23, 2024

Tulak arestado sa P340-K shabu sa Caloocan buy bust ops

Mahigit P.3 milyong halaga ng shabu ang nasamsam sa isinagawang buy bust operation ng Caloocan City Police at naaresto ang isang tulak ng ilegal na droga kahapon ng madaling araw sa Caloocan City.

Kinilala ni Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta ang naarestong suspek sa alyas “Ian”, 19-anyos, residente ng Brgy. 148 ng nasabing lungsod.

Sa kanyang report kay Northern Police District (NPD) Director Rizalito Gapas, sinabi ni Col. Lacuesta na nakatanggap ng impormasyon ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) hinggil sa pagputok ng pangalan ng suspek sa pagbebenta ng shabu kaya isinailalim ito sa validation.

Matapos makumpirma na positibo ang report, agad nagsagawa ang SDEU sa pangunguna ni P/Cpt. Emmanuel Aldana ng buy bust operation na nagresulta sa pagkakadakip sa suspek bandang 12:43 ng madaling araw sa kahabaan ng Edsa Barangay 94 matapos magbenta ng P6,500 halaga ng shabu ang isang pulis na nagpanggap na buyer.

BASAHIN  Mag-live in partner huli sa ₱1-M shabu sa Rizal

Nakumpiska sa suspek ang humigi’t kumulang 50 gramo ng  shabu na may standard drug price value na P340,000.00 at buy bust money na isang genuine P500 bill, kasama ang anim na pirasong P1,000 boodle money.

Kasong paglabag sa Section 5 at 11 of Article II of R.A. No. 9165 ang isasampa ng pulisya laban sa suspek sa Caloocan City Prosecutor’s Office

BASAHIN  Irish national kulong sa estafa sa Makati

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA