Kritikal ang isang 25-anyos na binata dahil sa kakulitan at pang-aasar sa isang 63-anyos na biyudo matapos ang mainitang pagtatalo, kamakalawa ng hapon sa Malabon City.
Batay sa report ni Malabon police chief P/Col. Jay Baybayan kay Northern Police District director P/BGen. Rizalito Gapas, bandang 2:15 Miyerkules ng hapon
nang magkaroon ng mainitang pagtatalo ang biktima na si Elmer Angustia at suspek na isang senior citizen sa Pinagsabugan, Barangay Longos sa hindi pa batid na dahilan.
Personal na nasaksihan ni Imelda Baguhay, 54-anyos, ang pananaga ng biyudong kapitbahay kaya’t siya na mismo ang nagsugod sa kanyang anak sa Tondo Medical Center.
Nang matiyak ni Imelda na ginagamot na ang kanyang anak ay agad na siyang nagtungo sa Malabon Police Sub-Station 5 upang ireklamo ang kapitbahay.
Agad nagtungo sina P/Cpl. Herminio Gregorio, P/Cpl Noel Tindugan at Pat. Alexis Flores sa lugar at inaresto ang suspek, matapos na ituro ng ina ng biktima na siya ang tumaga sa kanyang anak.
Nakumpiska ng pulisya ang itak na ginamit sa pananaga.
kasalukuyang nakakulong ang suspek sa Malabon detention cell