Ika-4 na Pinoy, nasawi sa digmaang Israel-Hamas;3 Pinoys, sundalo ng IDF

0

KINUMPIRMA ni Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Enrique Manalo sa X
platform ang pagkasawi ng ikaapat na Pilipino sa pagitan ng digmaan sa Israel at teroristang
grupo na Hamas.


“I regret to inform the nation that we have received confirmation from the Israeli government of
another Filipino ca­sualty in Israel,” ayon sa post ni Manalo.


Dahil sa kahilingan ng pamilya ng biktima, hindi na sinabi ni Manalo ang pangalan, pati na iba
pang detalye nang pagkamatay.


Tiniyak naman ng DFA, DSWD, at iba pang ahensya ang tulong mula sa pamahalaan.


Ayon kay DFA USec. Eduardo de Vega, isang babaing caregiver na naka-base sa southern
Israel ang ikaapat na biktima.


Nauna nang ini-report na isa ang biktima sa tatlong Pilipinong nawawala sa Israel, subalit
walang kumpirmasyon kung siya ay binihag at pinatay ng militanteng Hamas.


Ibinalita ni De Vega na ang labi ng isa sa apat na Pinoy na nasawi ay ibabalik na sa bansa
ngayong unang linggo ng Nobyembre, habang sa mga susunod na linggo pa maiuuwi ang
dalawa pang nasawi.


Habang sinusulat ang balitang ito, dalawa pang Pilipino ang nawawala. Isa rito ay isang
naturalized Israeli citizen.


Nitong Miyerkules, nakaauwi na sa bansa ang anim na overseas Filipino workers kasama ang
isang buwang sanggol mula sa Israel. Ayon sa DFA, sila ang ang pinakaunang batch ng OFWs
na humiling nang repatriation sa gitna ng digmaan.


Samantala, pinalilikas na ng DFA ang halos 3,000 Pilipino na nasa southern Lebanon at sa 70
OFWs na nasa northern Israel dahil sa banta nang tumitinding bakbakan sa pagitan ng IDF at
grupong Hezbola.

Hindi pa matiyak ng gobyerno kung magagawa ito.

About Author

Show comments

Exit mobile version