Angel locsin, Missing in action?

0

MAHIGIT na isang taon nang hindi nakikita ng publiko si Angel.


Noong Agosto 13, 2022 pa nang huli siyang makita ng publiko sa kanyang Instagram post, pero
binura rin ito ni Angel, ayon sa ulat ng entertainment portal na Pep.ph.


Mas active pa sa social media si Neil Arce, mister ni Angel. Pero wala rin si Angel sa mga
post nito.


Sa interview ng vlogger na si Kiko Escuadro noong October 14, 2023 na lumabas sa Pep.ph,
malugod na nagsalita si Dimples nang tanungin siya tungkol kay Angel, “I try to see her every
now and then. Ako, I’m very happy that she’s taking this time off.”


Busy daw ngayon si Angel sa iba’t-ibang proyekto nang pagtulong sa ating mga kababayan, lalo
na kung may kalamidad. Sinabihan daw niya itong maghinay-hinay.


Ayon pa kay Dimples, “Siya yung nauuna doon [sa philantrophic acts], and ako ang lagi kong
dasal sa kanya dati, sabi ko sa kanya, ‘Gel, please, maghinay-hinay ka kasi yung katawan mo.
Tayo, hindi tayo bumabata, baka mamaya magkasakit ka.”


“So ngayon, inaalagaan niya ang sarili niya. Nandiyan si Neil, ine-enjoy niya ang married life
niya. Tahimik ang buhay niya. Ang saya-saya ko para sa kanya,” pagtatapos ni Dimples.


Maraming fans ang nagnanais nang mapanood si Angel, and dating “Darna”. Sana raw,
magkaroon kaagad siya ng project bago matapos ang taon.

About Author

Show comments

Exit mobile version