33.4 C
Manila
Monday, December 23, 2024

16 Pinoys nakauwi na mula israel;hospital blast, dahil daw sa islamic jihad

INIANUNSYO ng Department of Migrant Workers (DMW) na nakauwi na kahapon ang unang batch ng overseas Filipino workers (OFWs) na nagmula sa Israel, matapos ang surprise attack ng Hamas group sa mga sibilyan sa Israel nitong Oktubre 7.


Sinabi pa ng DMW na sumama sa grupo si Labor Attaché Rodolfo Gabasan ng Migrant Workers Office sa Tel-Aviv. Sumakay sila eroplano sa Ben Gurion International Airport sa Lod City, Israel. Kasamang nakauwi ng 16 na OFWs ang isang buwang sanggol.


Bago dumating sa bansa, nag-stop-over muna ang kanilang eroplano sa Abu Dhabi International Airport, United Arab Emirates (UAE) na kung saan kinumusta sila ni Philipine Ambassador to the UAE Alfonso Ferdinand Ver.


Matapos iutos kamakailan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na tulungan ang bawat OFW na uuwi sa Pilipinas dahil sa digmaan sa Israel, nangako ang DMW na agad tutulungan ang mga nabanggit sa pamamagitan nang stress debriefing, psycho-social counseling, medical referral, at temporary
accommodation bago makauwi sa kani-kanilang probinsya.

BASAHIN  1,000 Kaso nang sex abuse ng mga paring Katoliko, inilantad

Tutulong din ang iba pang ahensya ng gobyerno para magkaroon ng cash assistance at pangkabuhayan package ang mga umuwing OFW.


Samantala, iniutos ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang “mandatory evacuation” sa lahat ng OFWs na nakatira sa Gaza Strip, matapos ianunsyo kamakalawa ang Alert Level 4 sa Gaza.

Samantala, sinabi ni Israeli military spokesman Rear Adm. Daniel Hagari na hindi ang Israel ng sanhi nang pagsabog sa parking lot ng Al-Ahli Baptist Hospital sa gitna ng Gaza City na pumatay sa mahigit 300.

Ayon daw sa kanilang intelligence source, ang Palestinian Islamic Jihad, isang rival ng Hamas
Group ang may gawa nito, dahil sa misfire o premature na pagputok nito magmula nang ilunsad ng grupo, di kalayuan sa likod ng ospital. Nagpakita ng mga larawan at satellite photos si Hagari para suportahan ang kanyang pahayag.

BASAHIN  US$1.3-T kakailanganin sa restoration ng Ukraine Trabaho para sa OFWs, open

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA