Nwt bible: dagdag na 3 wika sa braille

0

MAHIGIT sa 100 milyong kopya ng Bibliyang New World Translation (NWT) ang naipamahagi
na sa buong mundo sa 219 na wika, kasali ang Braille at audio book.


Ayon sa www.jw.org, nitong mga nakaraang buwan, ini-release ng mga Saksi ni Jehovah sa
tatlong wika ang Braille version ng New World Translation: German, Korean, at Ukrainian.


Ang kopyang Braille sa wikang Korean at Ukrainian NWT ay mababasa gamit ang Braille
transcription machines na Notetakers. Samantalang ang German Braille, gamit ang screen
reader.

Pwedeng i-download nang libre ang electronic files ng NWT mula sa www.jw.org. Available rin
ito sa Tagalog, Cebuano, Iloko, Hiligaynon, Pangasinense at iba pang lokal na wika.


Ang website ng mga Saksi ni Jehovah na www.kw.org ay naisalin na sa 1,088 na wika – ito ang
number one sa buong mundo. Kasali rito ang ating wika na Maguindanaoan, mga katutubong
wika sa Africa na ginagamit lang ng ilang libong tao, sa South at Central America, pati na wika
ng mga katutubong Indian sa America, Canada, at iba pang panig ng kontinente.


Samantala, ang mahirap na proseso nang paglikha ng Bibliya sa Braille ay kinapapalooban ng
pagsasalin ng nasusulat na salita, gamit ang NWT’s malawak na materyal sa Braille. Ang visual
aids kagaya ng mapa at diagrams ay ikinukumberte sa format na maiintindihan ng mga bulag.


Lahat ng Bibliya ng mga Saksi na nasa Braille ay inililimbag sa Wallkill, New York, U.S.A.,
gamit ang Braille embosser. Ito ay ibinibigay nang libre – pati na hard copy sa ibang format at
wika – sa mga interesadong tao na nais makipag-aral ng Bibliya sa kanila.


Nag-i-emboss ang makinang ito ng Braille dots sa espesyal na papel, na binubuo sa mga bolyum
at ipinapamahagi sa mga sangay sa buong mundo.


Magmula nang naimbento ng isang bulag – ang French teacher na si Louis Braille ang sistema
nang pagbabasa gamit ang Braille System noong 1824, labis na nakinabang ang blind
community sa buong mundo.


Isa na rito ang Amerikanang si Helen Keller (1880-1936) isang bulag at pipi na nakapag-aral ng
Braille. Nakapagtapos siya bilang cum laude sa Radcliffe College noong 1900, nakapagsulat ng
anim na aklat, at nagsilbing tagapagtaguyod ng karapatan at pag-asa ng mga bulag at may
kapansanan sa buong mundo.


Ayon sa ulat, kayang kilalanin ni Keller ang isang nagsasalita ng English kung ito ay taga
Hilaga o Timog na bahagi ng Amerika, sa pagdama lamang sa bibig nito. Isinapelikula noong
1962 ang buhay ni Keller sa The Miracle Worker.

About Author

Show comments

Exit mobile version