33.4 C
Manila
Monday, December 23, 2024

Pinoys na naiipit sa Gaza, nahihirapang tumakas

DAHIL sa ipinatutupad na complete blockade ng Israel Defense Forces (IDF), nahihirapang
tumakas mula sa napipintong pag-atake ng IDF ang mga Pilipino, pati na iba’t ibang lahi na
naiipit ngayon sa digmaang Israel-Hamas.


Isinailalim kahapon ng gobyerno ng Pilipinas ang Gaza Strip sa ilalim ng Alert Level 4, ang ibig
sabihin, mandatory o sapilitan ang pagpapaalis sa kanila, ayon sa Department of Foreign Affairs
(DFA).


“Of course, it doesn’t mean that we can go in and just get them out of Gaza. Nobody can go in
and out, so far,” saad ni DFA Usec. for Migrant Workers’ Affairs Eduardo de Vega.


Sinabi ni De Vega na ang mga Pilipino ay kasama sa libo-libong mamamayan ng iba’t ibang
bansa na nagkukumahog para makalabas sa Gaza Strip, matapos magtago rito ang Hamas
terrorist group, kasama ang 150 bihag.


Ang paglusob ng Hamas sa Israel nitong Oktubre 7, ay nagresulta sa digmaan na pumatay nang
mahigit 2,000 Israeli civilians at ikinasugat ng mahigit 3,000. Sa panig ng Hamas at Palestine,
1,440 ang napatay at mahigit 8,550 ang nasugatan.

BASAHIN  Ai-Ai delas Alas, purdoy na kaya nag-care-giver na lang sa Amerika?


“The remaining Filipinos there have also left…They are in other parts of Gaza now. So,
hopefully, they are free from collateral damage,” dagdag ni De Vega.


Sinabi pa ng DFA na 78 Pilipino ang nais makatawid ng Gaza-Egypt border, pati na rin ibang
lahi.


Matatandaang tatlong Pilipino ang kumpirmadong namatay sa pag-atake ng Hamas at nawawala
pa rin ang tatlo pa hanggang sa ngayon.


Mayroong mahigit 30,000 Pilipino ang nasa Israel kasama ang 300 mga Pilipinong estudyante
na nag-aaral doon.


Bukod pa sa 78 na nagnanais makatawid sa Egypt, mayroon pang 30 Pinoys sa Southern Gaza at
23 iba pa ang nakalabas ng Gaza City.

BASAHIN  Revision, hindi amendment, ang isinusulong ng People's Initiative


Dahil sa posibilidad nang pag-atake ng pwersang Iran sa Israel, ipinadala ng United States ang
Gerald Ford aircraft carrier at carrier strike group sa Dagat Mediterranean. At dahil sa pressure
ng US, napilitang ibalik ng Israel ng serbisyo ng tubig sa Southern Gaza.

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA