33.4 C
Manila
Saturday, March 29, 2025

Wanted na rapist, nalambat sa Malabon

Kulungan ang bagsak ng isang lalaki na wanted sa kasong panggagahasa matapos makorner sa isinagawang manhunt operation kamakalawa ng hapon sa Malabon City.

Kinilala ni Malabon police chief P/Col. Jay Baybayan ang naarestong akusado na si Johnritz Espinosa alyas “Kuya John” at nakatala bilang Most Wanted Person.

 Sa report ni Col. Baybayan kay Northern Police District (NPD) P/BGen. Rizalito Gapas, nakatanggap ng tip ang mga tauhan ng Warrant and Subpoena Section (WSS) ng Malabon Police na naispatan ang presensiya ng akusado sa Malabon.

Agad nagsagawa ng joint manhunt operation ang mga tauhan ng WSS na nagresulta sa pagkakadakip sa akusado sa kahabaan ng Sanciangco St., Brgy. Catmon, bandang 1:00 ng hapon.

BASAHIN  2 most wanted persons arestado sa Malabon

Ang akusado ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ni Presiding Judge Phrincess Ma.

Bajarias-Hermogeno ng National Capital Judicial Region, Family Court, Branch 6, Manila noong September 29, 2023 para sa kasong Rape na walang inirekomendang piyansa para sa kanyang pansamantalang paglaya.

BASAHIN  Tulak huli sa P379-K kush sa Marikina

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
87,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA