Laglag ang tatlong tulak ng Cardona kabilang ang dalawang security guard at isang kasabwat matapos malambat sa ikinasang buy bust operation at nakuhanan ng nasa 82.3 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P559,640.00 at mga armas na naganap Martes ng madaling araw sa Cardona, Rizal.
Sa report na nakalap mula sa Rizal Provincial Police Office nasakote ng mga tauhan ng Cardona Municipal Police Station sa pamumuno ni P Maj. Roberto Papa ang tatlong suspek na sina Bon Jovi Baldo y Escobin, High Value Individual, 33-anyos, residente ng Barangay Patunhay, Cardona; Richard Dionisio y Bautista, 51-anyos security guard ng Barangay Bombongan, Moronv, Rizal at Roderick Mirondo y Mendoza, 39-anyos, kapwa Street Level Individual l, security guard at taga Milagros, Cavite.
Ayon sa report, nagsagawa ng buy-bust operation ang mga tauhan ng Cardona Police bandang 4:50 Martes ng.madaling araw sa Barangay Calahan, Cardona, Rizal matapos ang naganap na transaksyon sa pagitan ng mga suspek at pulis na nagpanggap na buyer.
Matapos ang palitan ng ebidensya ay agad na nalambat ang tatlong nagpulasang suspek at nakumpiska ang nasa 12 piraso ng transparent plastic sachet na naglalaman ng 82.3 gramo na nagkakahalaga ng P559,640.00; isang Android cellular phone Techno Spark, isang Android Infinix, isang Vivo cellphone, isang unit Suzuki Smash, coin purse, wallet, sling bag, isang Caliber .45 Pistol, magazine Caliber .45; anim na bala ng Caliber .45; P1,000 buy bust money at isang bundle P3,000.00 drug money.
Kasalukuyang nakakulong ang mga suspek at kinasuhan ng paglabag sa RA 9165 at RA 10591 o illegal possession of firearms in relation to Omnibus election code
