Home Special Report NCMF nasa mabuting kamay matapos ang pamumuno ni Mamukid

NCMF nasa mabuting kamay matapos ang pamumuno ni Mamukid

0
Former BMEA Director IV Eng'r Rahmatol M. Mamukid (left) after his meeting with Thailand Ambassador to the Philippines Tull Traisorat on October 30, 2024 in Makati City. (Credit: BMEA)

MAKAKAHINGA na ng maluwag si Engineer Rahmatol M. Mamukid dahil iniwan nito ang National Commission on Muslim Filipinos na nasa maayos na kalagayan hindi lamang dahil sa wala ni isa mang reklamo laban sa kaniya kundi pati katiting na alegasyon ng korupsyon sa kaniyang pamumuno.

Kung paano nito pinamunuan ang NCMF, napakarami ring naisakatuparan ni Mamukid

Mula sa pagiging regional director ng NCMF-South Luzon at nang maglaon ay sa NCMF Central Luzon sa Quezon City, naglingkod din si Mamukid sa Bureau of Muslim Economic Affairs (BMEA), at Bureau of Pilgrimage Authority (BPE) na maraming naisakatuparan.

Sa isang panayam kay Mamukid, sinabi nito na napahalagahan niya ng lubos ang kaniyang paglilingkod sa BMEA at BPE dahil ang dalawang ahensyang ito ay may mahalagang kaugnayan sa mga Filipinong Muslim.

Sa BMEA, pinangasiwaan niya ang pagsusulong ng Halal na obligasyon bilang isang Islam lalo pa’t sa Pilipinas higit sa US$2 trilyon ang halaga nito sa panglobong merkado.

Malaki rin ang naging papel ni Mamukid sa pangunguna nito sa pagsasaayos ng taunang Hajj at Pilgrimage patungong Mecca sa Saudi Arabia habang siya ang namumuno sa BPE.

Bilang ikalimang haligi ng Islam, ang Hajj ay napakahalaga sa isang adultong Muslim na kailangang gampanan minsan sa isang taon para doon sa mga may kakayahan sa pinansiyal, pisikal at sikolohikal na aspeto.

“Nagpapasalamat ako sa aking mga staff sa BMEA at NCMF-South Luzon sa kanilang kooperasyon at pagiging matiisin sa pagganap ng kanilang trabaho saan man sila nakatalaga,” ang pahayag ni Mamukid.

Sa kabila ng maikling panunungkulan nito sa BMEA, malaki ang naging kontribusyon ni Mamukid sa ahensya nang piliin ito ni NCMF Secretary Sabuddin N. Abdurahim na pamunuan nito ang economic bureau ng NCMF-South Luzon noong Abril 11, 2023.

Dahil sa katangian ng pagiging mahusay na lider na ipinakita ng inhenyero, inilipat siya ni Abdurahim na pamunuan naman ang BPE bilang Director IV, noong Nobyembre 12,2024.

Maliban sa pagbubukas ng bagong walong plantilla position sa BMEA na inaprubahan ng Department of the Budget and Management (DBM), nagkaroon din ng sunod-sunod na kasunduan o Memoranda of Agreement (MOA) sa Technical Education and Skills Development Authority (TESDA), Department of Science and Technology (DOST), Department of Migrant Workers (DMW) at Cooperative Development Authority (CDA).

Nariyan din ang Memoranda of Understanding (MOU) kasama ang foreign institutions in Malaysia, tulad ng Angkasa, International Academy of Pathology (IAP), Global Ikhwan Services and Business (GISB) Holdings, pati na ang pakikipagtulungan sa iba’t ibang embahada sa Pilipinas lalo na nang ilunsad ang Halal Modules at nakapag-accredit ng 12 Halal Certifying Bodies (HCBs).

Binigyang-diin ng kaniyang dating mga tauhan na noong nagsimula itong manungkulan sa BMEA noong 2023, mayroon lamang P244,000 badyet ang gawaing may kaugnayan sa Halal ngunit tumaas ito sa P39 milyon sa sumunod na taon.

Samantala, hindi rin matatawaran ang naisakatuparan ni Mamukid nang pamunuan nito ang BPE dahil sa sunod-sunod na paglagda ng MOA sa Bureau of Quarantine (BOQ) para sa bakuna ng mga peregrino laban sa meningitis bilang resulta nang diyalogo sa Department of Health (DOH).

Eng’r Rahmatol Mamukid then BMEA director in 2024 with students from Southeast Asia Institute of Trade and Technology (SEAITT). Mamukid mentored them on leadership, management, and human relations during the students’ OJT at BMEA. (Credit: BMEA)

Umabot naman sa 17 accredited travel agencies para sa Hajj at isa pang MOA sa Ministry of Health (MOH) ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) para sa libreng suplay ng bakuna, libreng terminal fees sa pakikipag-ugnayan sa pamunuan ng New NAIA Infra Corp. (NNIC) sa ilalim ng San Miguel Corporation.

Isang special lane naman ang inilaan para sa mga pilgrims na inihanda ng Bureau of Immigration (BI) at maayos ng pag-proseso ng pasaporte sa ilalim ng Department of Foreign Affairs (DFA).

Nagsagawa rin ng Hajj Awareness Program (HAP) sa Zamboanga City, Sulu, and Tawi-Tawi, Lanao del Sur at Lanao del Norte, Cotabato City, National Capital Region (NCR), at dumalo rin si Mamukid ng Hajj Conference sa Jeddah, Kingdom of Saudi Arabia, at pakikipagtulungan ng embahada nito sa bansa.

Kaya ipinagpasalamat ni Mamukid ang lahat ng ito kay Secretary Abdurahim sa oportunidad na pangasiwaan ang BMEA at BPE kung saan naipakita niya ang kaniyang di-matatawarang kakayahan sa pamumuno na ayon sa dating opisyal.

Ayon pa kay Mamukid, handa pa rin siya na bumalik sa paglilingkod sa pamahalaan sa anumang kapasidad kung bibigyan pa ng pagkakataon.

Exit mobile version