UMAPELA diumano ang ABS-CBN sa Office of the President para hindi masuspindi ang It’s Showtime.
Ito ay ginawa ng pamunuan ng programa para hindi matuloy ang 12-airing-day suspension, ayon kay Christy Fermin sa kanyang vlog.
Matatandaang nauna nang sinabi ni Fermin sa online program na Cristy Ferminute ang balitang hindi na raw magpapadala ng motion for reconsideration ang show sa Malacañang, na kung saan, si Vice Ganda ang host.
May ipapalit na raw pansamantala sa noontime show, sakaling ipatupad na ang suspension. Ito raw ay ipalalabas magmula 14-27 ng Oktubre.
Ayon pa kay Cristy, sinabi ng kanyang source na naipadala na sa Palasyo nitong 04 Oktubre ang motion for reconsideration ng It’s Showtime.
Ayon sa ilang observers, baka raw may malapit na kakilala ang producer ng show sa Malacañang na siyang tutulong sa kanila para mabaliktad ang utos ng MTRCB na suspindihin ang programa.
Pero, nauna nang sinabi ni Chief Presidential Legal Counsel Juan Ponce Enrile na diumano, tama lang ang suspension dahil “bastos si Vice Ganda,” at “yumaman lang ito dahil sa kabastusan”.
Titingnan natin kung sino ang mas astig, ang diumano’y koneksyon sa Malacañang ng It’s Showtime o si Enrile, ang dating kinatatakutan at implementor ng Martial Law ng panahon ni Ferdinand Marcos Sr.
Abangan!