33.4 C
Manila
Monday, December 23, 2024

Handa ka na ba kapag dumating ang di-maiiwasang kalamidad?

SA patuloy na pagtaas ng mga kalamidad sa buong mundo, naunawaan ng mga residente ng National Capital Region (Metro Manila) na mahalaga ang disaster risk reduction o pagpapababa ng panganib mula sa sakuna.

Ayon sa mga siyentipiko ng United Nations, inaasahan nila na mas tataas pa ang bilang ng mga kalamidad sa buong mundo sa taong 2030, mula sa average na 400 bawat taon patungo sa 560 bawat taon.

Para mabigyang pansin ang kahalagahan ng pagpapababa ng panganib mula sa kalamidad, itinalaga ng U.N. General Assembly ang ika-13 ng Oktubre bilang ang International Day for Disaster Risk Reduction.

Habang papalapit ang araw, marami sa mamamayan ng Metro Manila ang naghahanap ng mga paraan upang mapaghandaan ang anumang posibleng banta sa kanilang komunidad at pamilya.

Para kay Normito Zapata Jr., isang guro at ama ng tahanan, ang Oktubre 2017 edisyon ng magasing Gumising! na may temang “Kapag May SakunaMga Hakbang na Makapagliligtas ng Buhay” ay naglalaman ng mahalagang impormasyon.

Sinipi ng magasin ang Kawikaan 27:12, na itinampok ang kahalagahan ng paghahanda: “Nakikita ng matalino ang panganib at nagtatago, pero tuloy lang ang mga walang karanasan at pinagdurusahan ang epekto nito.”

BASAHIN  Ebanghelyo ni Mateo available na sa Filipino Sign Language

“Dahil sa pagrepaso sa magasing ito kasama ng aking pamilya, napagtanto namin na hindi sapat ang paghahanda namin para sa isang kalamidad,” sabi ni Melchor Basalo, isang doktor na naninirahan sa San Juan City.

“Ngayon na naglaan kami ng panahon para pag-usapan ang aming plano ng paglikas at pag-iipon ng mga kakailanganing gamit para sa panahon ng emergency, mas nakadama kami ng kapayapaan ng isip.”

Sa layuning iyon, ang magasin ay nagbibigay sa mga pamilya ng kapaki-pakinabang na tatlong hakbang upang matiyak ang pagiging handa sa panahon ng emergency:

  • Bago ang sakunaMaghanda!
  • Habang may sakunaKumilos Agad.
  • Pagkatapos ng sakunaManatiling Ligtas!

Bukod dito, nagtatampok din ang magasin ng listahan ng mga emergency supplies na isasama sa “go bag.” Maaari itong gamitin ng mga pamilya sa kanilang bahay o dalhin sa paglikas.

“Ang pagiging handa sa sakuna ay makakatulong ng husto para mabawasan ang pisikal, emosyonal, at espirituwal na epekto bilang resulta ng mga nakakadismayang pangyayaring ito,” ang sabi ni James Morales, ang National Spokesperson ng mga Saksi ni Jehova.

BASAHIN  PH Ambassador, ipinatawag ng China matapos batiin ni PBBM ang bagong lider ng Taiwan

“Ang magasing ito ay partikular na sinulat para tulungan ang mga tao at mga pamilya na huwag masiraan ng loob sa panahon ng kalamidad.”

Ang libreng digital copy ng “Kapag May SakunaMga Hakbang na Makapagliligtas ng Buhay”  ay maaaring i-download sa jw.org, ang opisyal na website ng mga Saksi ni Jehova na nagtatampok ng praktikal at salig-Bibliyang mga paksa na mababasa sa mahigit 1,070 wika.

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA