33.4 C
Manila
Wednesday, January 22, 2025

VP Sara, binisita ang estudyanteng ‘namatay sa sampal’

BINISITA kahapon ni Vice President Sara Duterte ang mga labi ng Grade 5 na estudyanteng si
Francis Jay Gumikib sa Antipolo City, 11 araw matapos siyang mamatay diumano dahil sa
pagsampal ng kanyang Filipino teacher.

Si Duterte, na siya ring Department of Education (DepEd) Secretary, ay nagpaabot nang
kanyang taus-pusong pakikiramay sa nagluluksang pamilya. Nagbigay din siya ng moral
support sa mga kapamilya ng bata.

Kasama ni Inday Sara si DepEd USec. at chief of staff, Michael Poa na dumalaw sa burol.
Matatandaang, namatay si Gumikib nitong Oktubre 2, halos 11 araw matapos siyang sampalin
diumano ng kanyang Filipino teacher.

Ang kanyang death certificate ay nagpapakita na namatay ito dahil sa global brain edema o
pamamaga nang buong utak, na may kasamang pagdurugo sa mga tissue ng utak. Kinakitaan
din ng sakit ng tuberculosis at pisikal na pang-aabuso ang bata.

BASAHIN  Klase sa 2024-2025 magsisimula sa Hulyo 29, ayon sa DepEd

Pero kinuwestiyon ni Dr. Raquel Fortun, isang forensics expert, ang kakulangan ng data o
impormasyon kasama na ang eksaktong dahilan ng kamatayan ng biktima na dumanas ng brain
hermorrhage.

Ayon pa kay Fortun, bukod sa 11 araw na pagitan sa pananampal at pagkamatay, “It can
produce meningitis. Are we not dealing with meningoencephalitis? An inflammation of the
brain and the covering? And that can be from bacteria.”

Dahil sa kakulangan ng datus sa death certificate, mahirap daw paniwalaan na ang
pagkakasampal lamang ang pangunahing dahilan ng pagkamatay ni Gumikib.

Sinabi naman ni Mrs. Gumikib na malusog daw ang kanyang anak, kaya saan daw
manggagaling ang pamamaga ng utak nito?

BASAHIN  2 ambulansya target ng PCSO sa 1,400 LGUs sa 2028

Sa ngayon, hinihintay pa ang opisyal na resulta ng autopsy mula sa Philippine National Police
Crime Laboratory sa Crame, para mabigyang-linaw ang tunay na dahilan sa pagkamatay ng
bata.

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
87,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA