33.4 C
Manila
Saturday, November 23, 2024

Gilas, Hinalimaw ang Jordan, 70-60

HALIMAW talaga ang Gilas Pilipinas basketball team sa ilalim ni coach Tim Cone.


Kahit isang linggo lamang ang kanilang practice, inilampaso nila ang team Jordan sa score na
70-60, at nakuha nila ang gold medal sa 19th Asian Games na ginanap sa Hangzhou, China.


Ito ang kaunaunahang gold medal ng bansa sa basketball matapos ang mahigit na anim na
dekadang tagtuyot sa medalya. Naging basketball champion tayo sa Asiad noong 1951, 1954,
1958, at 1962. Nakapasok tayo sa finals noong 1990 sa Beijing, pero natalo sa China.


Matatandaang tinalo ng Pilipinas ang China sa semifinals, sa score na 77-76. Ito rin ang
kaunaunahang pagkakataon na natalo ang China sa Asiad sa home court nito.


Noon lamang 1998 sa Bangkok Asiad tayo nakakuha ng bronze, na kung saan nakuha ng China
at South Korea ang gold at silver.


Nanguna ang ating scoring machine na si Justin Brownlee, na may 20 points; Angelo Kouame,
14; Chris Newsome, 13; at Scottie Thompson 11. Malaki rin ang naitulong ng bawat player
para matalo ang Jordan.

BASAHIN  Chinese envoy, alis diyan!


Ayon kay Brownlee, “The Filipino heart, the Filipino pride…there is nothing like it.

We displayed it in this tournament. We were down in some games, and we were up, and then we
came back. The Filipino heart toughened us up a lot, especially in this gold medal game.”


Naging naturalized Filipino si Brownlee noong Enero 12, 2023, sa bisa ng R.A. No. 11937 na
nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.


Samantala, sinimento ni coach Cone – sa pamamagitan ng gold medal na ito – ang pagiging
“the best coach” sa kasaysayan ng basketball sa Pilipinas. Ito ay bukod sa pagkakaroon nang
mahigit 1,000 panalo sa PBA bilang coach – pinakaramami sa kasaysayan ng liga.


Kahit na binuhat ni Brownlee ang bangko laban sa China, hindi makukwestiyon ang mahusay
na strategy at play adjustment na isinagawa ni Cone laban sa China at Jordan.


“A month after the World Cup, we knew that our national team really needed that win…
“Everybody came together and that was a great team effort” saad ni Kouame.

BASAHIN  Abril ng bawat taon, balak gawing “Basketball month”


Sa kanyang mensahe sa X (dating Twitter) sinabi ni Pangulong Marcos, “I know every Filipino
is proud to be called one today. Congratulations, Gilas Pilipinas, on this incredible feat! Your
hard work continues to elevate Filipino athleticism and sportsmanship to the global arena.”

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA