Kulungan ang bagsak ng dalawang lalaki na listed bilang most wanted personsmatapos maaresto sa magkahiwalay na manhunt operations sa Malabon City, kamakalawa ng hapon.
Sa ulat ni Malabon police P/Col. Jay Baybayan kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, nagsagawa ng joint manhunt operation kontra wanted persons ang mga tauhan ng Warrant and Subpoena Section (WSS) sa pangunguna ni PCMS Jessie D Rebato, kasama ang 4th MFC RMFB-NCRPO.
Nadakip sa operation ang akusado na si alyas “Win”, 19-anyos, residente ng Tanza 2, Navotas City bandang 3:45 kamakalawa ng hapon.
Ayon sa pulisya, ang akusado ay inaresto nila sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Rosario G. Ines-Pinzon ng Regional Trial Court (RTC) Branch 290, Malabon City noong October 4, 2023, para sa kasong Rape by Sexual Assault.
Nauna rito, nadakip naman ng mga tauhan ng Sub-Station 4 ng Malabon police sa pangunguna ni PSMS Alexander Carlos at WSS sa joint manhunt operation sa Dampa sa Paseo, Brgy., Catmon, bandang 2:25 kamakalawa ng hapon ang isa pang akusado na si alyas “Jose”, 49-anyos, construction worker ng Tige Norzagaray, Bulacan.
Ang akusado ay dinakip sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng Malabon City RTC Branch 290 din noong October 4, 2023, sa kasong paglabag sa Sec. 11, Art 2 of R.A. 9165.
Pansamantalang nakakulong ang mga akusado sa Custodial Facility ng Malabon police habang hinihintay ang commitment order mula sa korte