SINABI ni Rear Admiral Edgardo Hernando, Commander, Coast Guard Special Operations
Force (CGSOF) na nagsimula na ang Coast Guard Special Operations Course (CGSOC) Class
33-2023 at ang Female Rescue Diver’s Course Class 06-2023, sa Maynila nitong Setyembre
28.
“(We are committed) to protecting and saving our populace’s lives by providing capable and
competent personnel through various training tailored to provide students with the necessary
skills to overcome perilous operational environments, understand the risks involved, and
identify threats and opportunities present,” saad ni Hernando.
Ayon pa kay Hernando, sa loob ng huling walong taon nang pagiging commander niya ng
CGSOF, pinagsumikapan niyang makapag-develop ng maasahan, propesyonal, at mga tauhan
na nakatuon sa paglilingkod sa mamamayan sa pamamagitan ng mahusay at napapanahong
training programs.
Samantala, maraming observers ang nagsabi na bukod sa ganitong training, dapat din daw
pondohan ng gobyerno ang pagbili ng mga makabagong sasakyang dagat na gagamitin sa
pagbabantay ng ating karagatan, pati na pag-responde sa panahon ng kalamidad.