Sharon hindi na kikilalaning anak si KC?

Share

TILA patuloy na nag-aapoy ang hidwaang KC Concepcion at Sharon Cuneta.


Ito ay matapos kumalat sa social media na diumano, ayaw ibigay ni Sharon ang mansion na
ipinamana sa kanya ng grandparents nito na sina Pablo at Elaine Cuneta.


Ayon sa report ng Celebrity Headliners (CH) vlog kamakailan, sinabon diumano ni KC ang
nanay na si Sharon dahil sa pang-aagaw ng mansion na minana nito sa lolo’t lola.

Sinabi pa sa vlog na “Hindi diumano nagawang magpatinag ni KC Concepcion sa banta ng
kanyang inang si Sharon Cuneta na hindi na siya ituturing na anak nito kung hindi niya
ipagkakaloob ang mansion na sa kanya (kay KC) na ipinamana ng lolo at lola.”


Ayon pa sa report ng CH, “Sinabi umano ni KC na wala raw siyang pakialam kung iyon ang
gagawin ng mommy niyang si Sharon, at hindi raw siya luluhod sa harap nito para magmakaawa
para hindi na ituloy ng Megastar ang nasabing pagbabanta.”


“Asahan na din daw ni Sharon, na kapag tinutoo niya ang balak niyang iyon, ay siyempre, iyon
din daw ang isusukli ni KC. Bagay na kahit labag man sa kalooban ng dating actress ay
mapipilitan siya kung tototohanin ng nasabing ina.”


Ayon pa sa CH, hindi na rin umano niya ituturing na ina si Sharon kung tuluyan na siyang
itatakwil nito. Hindi rin daw siya natatakot sa pagputol ni Sharon sa kanilang koneksyon bilang
pamilya.

BASAHIN  Sharon Cuneta aka ‘Julia Roberts’, nilektyuran ng nurse


“Matapang pang sinabi umano ni KC na hindi niya hahayaang mapunta sa kamay ng mommy
niyang si Sharon ang mansion na ipinamana ng lolo at lola niya, dahil kapag nangyari daw ito,
para na ring binigo ni KC ang mga nagpamana sa kanya nito.”


“Ipagpatuloy na lang umano ni Sharon ang pagdakdak sa kanya at ang maging gagawin nitong
pagdidedma soon sa kanya, dahil ipinapangako daw ni KC na hindi daw niya isusuko ang
mansion para makuhang muli ang loob ng nasabing ina.”


Naireport na sa muling pagkikita nila, ay muntik nang umabot sa mainitang komprontasyon
dahil sa pagpupumilit umano ni Sharon na siya ang humawak ng mansion.


Sinabi ng isang abogado na ayaw magpakilala, na kung totoo man ang alegasyon ni KC na sa
kanya ipimana ang mansion, dapat umanong respetohin ito ni Sharon. Dahil matagal nang patay
sina Pablo at Elaine Cuneta, walang sinoman ang pwede magbago ng testamento ng dalawa.


Ano ang opinyon n’yo mga ka-Brabo? Wala nga bang kakonte-kontento si Sharon sa buhay?
Bukas po ang Brabo News sa opisyal na pahayag ni Sharon.

LATEST STORIES

LTFRB issues show cause orders to 21 bus and uv express operators over violations

THE Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) has ramped up its enforcement efforts across Metro Manila, issuing 21 Show Cause Orders (SCOs) to...

Angara backs proposed law to institutionalize comprehensive campus safety

EDUCATION Secretary Sonny Angara has expressed full backing for Senate Bill No. 2426, or the proposed Comprehensive School Safety Act, authored by Senate Committee...

Malacañang reallocates executive office furniture to four Rizal public schools

IN a bid to maximize government resources and upgrade public school infrastructure, the Office of the President (OP) has transferred executive office furniture and...

DepEd launches AI-powered Project LIGTAS+ to safeguard schools and cut learning loss

IN a major effort to shield students from chronic disruptions caused by natural disasters, the Department of Education (DepEd), under Education Secretary Sonny Angara,...

DTI, TikTok Shop, Converge Forge Partnership to Empower MSMEs Online

THE Department of Trade and Industry (DTI), TikTok Shop, and Converge SME Solutions have formalized a strategic tripartite partnership to accelerate the digital transformation...

Davao Dive Expo showcases premier diving destinations

DIVE EXPO. Officials of the Department of Tourism in Davao Region and diving industry stakeholders lead the ribbon cutting on Friday (July 7, 2023)...