33.4 C
Manila
Wednesday, January 22, 2025

British national huli sa hawak na 400 ATM cards

Hindi magkaugaga ang isang British national matapos maaktuhan na nagwi-withdraw gamit ang iba’t ibang hawak na ATM cards sa isang bangko sa Ermita, Maynila,  kamakalawa ng gabi.

Nitong Lunes ay naaktuhan  ng isang security guard na nagpapatrolya sa paligid ng isang binabantayang bangko ang hindi na pinangalanang British  national na nagwi-withdraw sa ATM booth hawak ang halos 60 piraso ng ATM cards.

Sinita ng guard dahil sa kahina-hinalang kilos at agad na dinala sa Manila Police District (MPD) headquarters ang dayuhan.

Nagulat ang  mga otoridad  nang buksan ang  dalang bag ng dayuhan at tumambad sa kanila ang halos 400 piraso ng iba’t ibang ATM cards ng iba’t-ibang bangko.

Nabatid na hindi pangalan ng dayuhan ang nakalagay sa mga cards.

BASAHIN  Babaeng desk officers na ang tatao sa mga istasyon ng pulis, ayon kay Okubo

Base sa ulat ng General Assignment and Investigation Section ng Manila Police District (GAIS-MPD),  nasita na noong  Setyembre 27 ang dayuhan unang sitahin  ng security guard  dahil sa kahina-hinala nitong kilos sa loob ng ATM booth na dis-oras ng gabi ang ginawang pagwithdraw

Ayon kay PMaj. Philipp Ines, itinatanggi ng dayuhan kung saan nanggaling ang mga cards na una nang sinabi na pinapahiram daw sa kanya.

“Sa pagkakaalam natin, naimpormahan ito nung nasabing bangko at base na rin dun sa report na natanggap natin, ipagbibigay alam nila kung sino man ‘yung naapektuhan nito,” dagdag ni PMaj. Ines. 

Nakapagpiyansa na ng Miyerkoles ang suspek pero mahaharap pa rin ito sa reklamong paglabag sa Access Devices Regulation Act. 

BASAHIN  Top 6 wanted ng Las Piñas nalambat sa tip ng 'Marites'

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
87,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA