33.4 C
Manila
Saturday, November 23, 2024

It’s showtime, hindi na aapela sa pangulo Vice, walang paki sa magugutom na staff

MUKHANG final and executory na ang 12-airing-day suspension ng It’s Showtime.


Hindi na raw iaapela ng ABS-CBN sa Office of the President (OP) ang suspension order ng
MTRCB sa programang It’s Showtime, ayon sa sources ng BraboNews.


Dahil kung iaapela nila ito sa OP, malaki ang posibilidad na ibabasura lang ito at lalong
mapapahiya lang ang network. Tiyak daw na hindi babanggain ni Pangulong Bongbong
Marcos ang pananaw ng kanyang ‘lolo’ Juan.


Matatandaang sinabi noon ng Chief Presidential Legal Counsel na si Juan Ponce Enrile na
diumano, bastos si Vice Ganda at kaya raw ito “yumaman dahil sa kabastusan”.


Kung tuloy-tuloy na ang suspensyon ng noontime show, kawawa naman daw ang mga
production staff ng programa pati na ang kapamilya nila, ayon kay Senador Ramon Revilla Jr.,
sa isang official statement na ipinalabas sa media noong Sabado.


Samantala, sa harap nang nakaambang pagkagutom ng pamilya ng staff niya, ipinakikita ni
Vice Ganda, kasama si Ion Perez ang pictures ng BMW 735i na worth almost P8 milyon na
binili niya. Masyado raw insensitive si Vice sa posibleng gutom at depresyon na mararanasan
ng kanyang staff sa It’s Showtime.

BASAHIN  Vice ganda, wala paring tulong sa it’s showtime staff

Lumalabas diumano na wala siyang paki sa kanilang
pinagdadaanan kahit na patuloy na nagpapakahirap ang mga ito para maging maganda ang
programa.


Sa isang opisyal na pahayag ng MTRCB o Movies and Television Review Classification
Board, sinabi nila na ang kabastusang ipinakita nina Vice Ganda at live-in partner nitong si Ion
Perez ay iba kaysa sa isyu na “no work, no pay” na magiging dahilan kaya magugutom ang
staff at pamilya ng It’s Showtime. Kailangan daw nilang gawin ang kanilang mandato na
maging watchdog ng TV shows at mga pelikula.


Iginiit pa ng MTRCB na sa mahigit isang dekada ng ang It’s Showtime sa ere – na lumalabas
sa TV anim na beses isang linggo – at ang hindi pagiging regular ng production staff nito ang
totoong isyu, hindi ang pagkagutom ng mga pamilya nila sa loob ng 12 araw na suspensyon.


Marami ang bumatikos kay Revilla dahil diumano, “masyado raw itong pa-epal kahit malayo
pa ang eleksyon” at dahil taga-showbiz siya, dapat, siya raw ang unang tumulong sa mga staff
na pansamantalang mawawalan ng trabaho dahil mayaman daw si Revilla at pamilya nito.

BASAHIN  Bagong skating park sa Munti

May mga pumuri rin kay Revilla dahil daw sa ginawa nito, nabuksan ang diumano’y
panlalamang ng ABS-CBN sa production staff ng It’s Showtime.

Mayroon diumano silang milyones sa ginastos sa 2023 ABS-CBN Grand Ball, pero wala silang ginawa para gawing regular ang “no work, no pay” na staff nito na nagtatrabaho sa mahigit 10 taon.

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA