33.4 C
Manila
Tuesday, June 24, 2025

P340-K halaga ng shabu nasabat sa Navotas

Umaabot sa ₱346,800.00 halaga ng illegal na droga ang nasabat ng mga tauhan ng Navotas Police laban sa isang kilalang tulak matapos ang ikinasang buy-bust operation kamakalawa sa Barangay San Roque, Navotas City.

Sa report na nakalap mula sa tanggapan ni Northern Police District (NPD) Director PBGen. Rizalito Gapas, naaresto ang suspek na nakilalang si alyas Jerome, 20-anyos, residente ng Barangay Tangos South, Navotas City.

Ayon sa report, ikinasa ng mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni PSSg John Mikhail C Garces  ang buy-bust operations para maaresto ang suspek. 

Sa naganap na buy bust operation bandang 3:40 ng madaling araw sa  kahabaan ng A. Dela Cruz St., Brgy. San Roque, Navotas City,  naaresto si Jerome matapos ang transaksyon sa pagbili ng illegal na droga.

BASAHIN  2 pulis dinampot ng kabaro sa buy bust

Nakumpiska ang isang medium size heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng 51 gramo ng shabu na may standard drug price na P346,800.00, isang genuine P1,000 at pitong piraso ng pekeng P1,000 bilang boodle money.

Kasalukuyang nakakulong ang suspek sa Navotas detention cell habang inihahanda ang kaso.

BASAHIN  AWOL na pulis, huli sa estafa

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

818,000FansLike
50FollowersFollow
93,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA