33.4 C
Manila
Wednesday, January 22, 2025

Sen. Revilla, pinalalabas na masama ang MTRCB?

MATAPOS i-deny ng Movie Television Review and Classification Board (MTRCB) ang
motion for reconsideration ng ABS-CBN at GMA-7 sa programang It’s Showtime, naglabas ng
official statement si Senador Bong Revilla, kamakailan.


“Sana na-consider ng MTRCB ang kapakanan nung mga maliliit na staff at crew nung show na
wala namang kinalaman at kasalanan dun sa nangyari,.. Sila yung mga ‘no work-no pay’ na
kung matutuloy ang suspension ay dalawang linggong walang kikitain at kakainin,” ayon kay
Revilla.


“I think lessons have been learned… Kung nagkaroon man ng pagkakamali, ang kasalanan ni
Juan ay hindi kasalanan ni Pedro. So I hope we don’t punish those working hard day in-day out
just to eke out a living,”


Pero iba ang nakikita ng vlogger na si Batang Maynila to its. Sa kanyang vlog kahapon na
may pamagat na “Budots King Bong Revilla umeepal”, matapos basahin ang paliwanag ng
senador, sinabi ng vlogger, “So, parang nangyayari ngayon, MTRCB pa ang pinapalabas
niyang masama.”

BASAHIN  MMFF, Tumabo nang mahigit ₱1-Bilyon


“Kasi sabi niya, dahil dito sa suspensyon, meron daw mga maliliit na mga trabahador,
mawawalan ng kita at masyado pang exaggerated, hindi raw makakakain. Sana, dapat
kinonsider ‘yan ng MTRCB bago sila nag-decide na suspindihin ang It’s Showtime.


Sinabi ng vlogger na diumano, dapat tinanong ng senador sina Vice Ganda at Ion Perez, kung
naiisip nila ang mga taong mawawalan ng trabaho sakaling masuspindi ang programa, dahil sa
paggawa ng kabastusan sa ere at sa harap ng mga bata. Hindi raw nila iniisip ang mga ito,
basta “makapaglandian lang” sa ere.


Ang dapat diumano na tumulong sa mga empleyadong mawawalan ng trabaho ay si Revilla,
dahil marami raw itong pera.

BASAHIN  Michelle Dee natapos ang laban sa Miss Universe sa Top 10


“Ang dami mong pera eh, ang dami mong pera dyan eh, kaya nga buong mag-anak nga ay nasa
pulitika na… Kung talagang gusto mo talaga ano, concerned ka sa mga taong nandyan, dapat
ikaw ang unang tumulong, ba’t ipapasa mo sa Office of the President?” pagdiriin ng vlogger.

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
87,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA