33.4 C
Manila
Monday, December 23, 2024

Appointees ni Digong, tinanggal na sa palasyo

TILA umaanghang ang relasyon nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at dating Pangulong
Rodrigo Duterte, matapos tanggalin sa puwesto kamakailan ang 13 opisyal na hinirang ni
Duterte.


Ayon sa source ng BraboNews, kasama sa mga inalis sa pwesto sina Crisostomo Beltran ng
Presidential Management Staff (PMS), Atty. Zeny Ferrolino-Enad, Asst. Executive
Secretary; Jone Rechie Gigayon, Edmund Tayao, National Coast Watch Center; Generoso
Bolina, Anti-Terrorism Council – Program Management Center; at Atty. Margarita Yu.


Inalis din ang lima pang opisyal na may rank na director. Ito ay sina James Juper Aguilar,
Florence Bantugan, Roderic Gabia, James Mabilin, Aliza Marie Guilot- Salarda, at Roberto
Bartuline Jr.

BASAHIN  Flor, inosente talaga


Noong 2022, napansin ang pag-asim nang relasyon ng UniTeam nina Pangulong Ferdinand
“Bongbong” Marcos Jr. at Vice President Sara matapos magkaroon nang sigalot ang
vloggers na sumusuporta sa kanilang tambalan noong 2022 elections. Nahati ito sa
dalawang paksyon, isang maka-Marcos at isang maka-VP Sara Duterte.


Naging mas malala ang kumpetisyon ng dalawang kampo dahil sa lumabas sa media ang
paggasta ni VP Sara sa P125-M confidential funds sa loob lamang ng 11 araw bago
matapos ang 2022.

Ayon sa ulat, ang kampo diumano ni Speaker Martin Romualdez ang nasa likod nang
pagkalat ng impormasyong nakasisira sa imahe ni VP Sara, dahil balak diumano ng
Speaker na tumakbong Pangulo sa susunod na national elections.

BASAHIN  Cha-Cha: Sino ang mastermind sa bilihan ng pirma sa Bicol?


Bukas ang BraboNews para sa opisyal na pahayag ng kampo ni Romualdez.

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA