33.4 C
Manila
Monday, January 20, 2025

Purdoy na brodkaster, humihingi ng tulong sa DSWD

KUNG makikita n’yo ngayon ang dating brodkaster na si Jay Sonza, baka hindi kayo maniniwala
na ito ang dating sikat na news anchor ng ABS-CBN, GMA-7, naging station manager ng UNTV-
37, at tumanggap ng maraming awards.


Purdoy na raw si Sonza at nanghihingi diumano ng tulong sa Department Social Welfare and
Development (DSWD).


Ayon sa ulat, nasa Davao del Sur daw ito ngayon at dumaranas nang pneumonia at gumagamit
pa ng saklay kapag naglalakad?


Saan daw kaya dinala ni Sonza ang limpak-limpak na pera na kinita niya noon?, tanong ng ilang
netizens.


“Confined at Viacrucis Medical Hospital, Bansalan, Davao del Sur due to Pneumonia for 6 days
now. Mukhang kailangan ko ng tulong ng mga kaibigan. Kinakapos na ako para sa gamot na
binibili sa labas. Walang government hospital dito sa probinsiya namin,” ayon kay Sonza sa
isang social media post.

BASAHIN  4,864 Hindi rehistradong sasakyan, natiklo ng LTO


Matatandaang ikinulong si Sonza nitong Agosto, sa Quezon City Jail, matapos itong iutos nang
Quezon City Regional Trial Court (RTC) Branch 100. Kinasuhan siya ng estafa sa ilalim ng
Article 315, paragraph 2(a) ng Revised Penal Code, at syndicated and large-scale illegal
recruitment Section 6(m), may kaugnayan sa Section 7(b) of Republic Act No. 8042 o ang
Migrant Workers Overseas Filipinos Act of 1995.


Pansamantalang nakalaya si Sonza matapos makapagpiyansa ng P300,000.


Tatlong ulit na kumandidato si Sonza: dalawang beses sa Kongreso, at sa pagka-senador
noong 2004 sa ilalim ng Aksyon Demokratiko pero nabigo siya.


Noong 2010, tumakbo siya bilang bise presidente sa ilalim ng KBL, naging pampito lamang siya
sa bilangan.

BASAHIN  It’s showtime, hindi na aapela sa pangulo Vice, walang paki sa magugutom na staff


Noong panahon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, inakusahan si Sonza na tagapagkalat
nang fake news dahil sa mga pag-atake nito sa ilang personalidad, kasama na si Vice President
Leni Robredo.

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA