MAGTATAGYO ng 206-megawatt wind power facility sa bayan ng San Isidro, Northern Samar.
Ito ay ayon sa Vivant Energy Corp. (VEC) na nakipag-joint-venture ito sa Aboitiz Renewables,
Inc. (ARI) at Vena Energy para sa San Isidro Wind Power Project, sa naturang bayan.
Sinabi ng Aboitiz Power Corp. na kasama nila ang VEC at Vena sa proyekto at tatawagin itong
Lihangin Wind Energy Corp.
Inaalam pa ang kabuuang halaga ng proyekto, ayon sa ARI.
“We welcome this opportunity to partner with two leaders in renewable energy development
which share our vision of helping the country attain energy security while promoting renewable
energy and contributing to countrywide development,” sinabi Vivant Energy president at CEO
Emil Andre Garcia.
Magsisimula ang konstruksyon ng proyekto simula sa Nobyembre sa taong ito. Inaasahang
magsisimula ang operasyon ito sa 2025.
Ang proyekto ay makatutulong para maabot ng gobyerno ang tunguhin nito na 35 percent
Sinabi ni ARI president at CEO James Arnold Villaroman na ang kanilang pakikipag-partner sa
Vivant at Vena ay nakalinya sa target nito na makapagtayo ng renewable energy source na
4,600 MW sa loob ng 10 taon. Babalansehin nito sa 50:50 ang renewable energy at thermal
energy sources.
Inaasahan ng mga taga-San Isidro na kapag natapos ang proyekto, magiging mas mababa ang
kanilang babayaran sa kuryente kumpara sa mga lugar na gumagamit ng fossil fuel ang power
plants.