33.4 C
Manila
Saturday, December 21, 2024

Halos 7 milyong misis, nais nang makalaya

AYON sa datos ng Population and Housing Survey noong 2017, aabot sa mahigit 6.8 milyong
misis o maybahay ang patuloy na nagdurusa sa mga kamay nang mapang-abusons mister,
kaya nais nilang makalaya kapag naisabatas na ang divorce bill.


Kasama ang datos na ito sa liham ng Divorce Pilipinas Coalition (DPC) kay Pangulong
Ferdinand Marcos Jr., na ipinadala kamakailan.


Nais ng DPC, sa kahilingan nito kay Marcos, na sertipikahan bilang “urgent” ang Divorce Bill na
nakabimbin sa Kongreso at Senado.


“This figure (6.8-milion abused wives) – while only a lead indicator – is too large to be ignored.
It proves that marriage is not for all couples,” ayon pa sa liham.


Hindi raw isolated ang pang-aabuso sa mga misis, ito ay nangyayari hindi lang sa buong
bansa, kundi maging sa buong mundo, mayaman man, middle class, o mahirap.


“It is quite safe to assume that these 6.8 million abused wives desire to divorce their abusive
husbands. Only the unpatriotic will turn a blind eye and refuse to consider this ever-worsening
reality… Note that a great many of them had escaped from being trapped in the abusive
relationship and had been separated-in-fact for at least 5 years , others even more that 20
years,” ayon pa sa liham.

BASAHIN  Seguridad sa panahon ng Kuwaresma sa MM tiniyak ng PNP


Patuloy daw na nananahimik sa kadiliman ang mga inaabusong misis at tinitiis ang pisikal,
psychological, at seksuwal na pang-aabuso, dahil wala silang pinansiyal na kakayahan para
kasuhan ang mister at magkaroon nang magastos na annulment sa korte.


Umaabot sa 26.4 percent ang naiulat na average sa buong bansa nang pang-aabuso sa misis,
ayon sa 2017 National Demographic and Health Survey.


Sa 17 rehiyon, 10 rito ang may bilang na mas mataas pa kaysa national average. Ito ang
Caraga, (49%); Bicol at Zamboanga Peninsula, (43.4%); Eastern Visayas (43.2%); Central
Visayas, (38%}; Ilocos, (33.1%); Western Visayas, (30.3%); Socksargen, (29.8%);
Mimaropa, (27.2%); at Davao, (26.9%).

BASAHIN  Cybercrime, lumala pa kahit may SIM registration


Ayon sa isang human rights group, maaaring umabot na sa pitong milyon o mahigit pa, ang
bilang ng mga misis na inaabuso dahil 2017 pa ang datos na inilabas.

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA