33.4 C
Manila
Saturday, December 21, 2024

It’s Showtime suspension, ‘selective justice’?

‘SELECTIVE justice”.
Ito ang opinyon ng singer, army reservist, at dating ASAP 08 mainstay na si Ronnie Liang.
Idiniin ni Liang na inconsistent daw ang MTRCB sa pagpapatupad ng guidelines nito.


Ayon pa kay Liang, kadudaduda ang mabilis na pag-aksyon ng ahensya sa violation ng It’s
Showtime, samantalang mas marami namang katulad o mas malala pang eksena sa ibang TV
shows na hindi raw pinansin ng MTRCB.


Ayon sa isang netizen, tila papel o diploma lang sa master’s degree ang nakuha ni Liang at hindi
ang pagiging rationale o makatwiran. Dapat daw, inisa-isa ni Liang ang mga katulad o malalang
eksena na hindi sinuspindi ng MTRCB, kumpleto pati araw at oras na na-ere ito. Idiniin pa ng
netizen na diumano, marami nang dating kabastusan sa ere ang It’s Showtime na pinalampas ng
ahensya.


Sa Korte at maging sa public opinion, ang lahat ng generalizations – meaning, walang verified
specific details – ay pawang hearsay o tsismis lamang, at hindi kailanman mananaig para
suportahan ang isang opinion, pag-aangkin, o kaso.

BASAHIN  Cha-Cha: Sino ang mastermind sa bilihan ng pirma sa Bicol?


Matatandaang naging unanimous ang disesyon ng mga miyembro ng Movie and Television Review
and Classification Board (MTRCB) na suspindihin ang It’s Showtime dahil sa bastos na Isip-Bata
segment nitong Hulyo 25. Hindi bumoto si Sotto sa desisyon.

Kinasuhan naman sina Vice Ganda at Ion Perez ng isang grupo dahil diumano sa paglabag sa
Section 201 ng Revised Penal Code, dahil sa pagpapalabas nang malaswang segment na labag sa
pamantayang moral nang higit na nakararami.


Nagbigay rin si Ronnie ng reaksiyon kay Lala Sotto bilang MTRCB chair, at sa relasyon nito sa mga
host ng E.A.T. sa TV5 ang rival program ng It’s Showtime sa isang interview ng Pep.ph.


Ayon pa sa Pep.ph, “Inihalintulad pa ni Ronnie ang posisyon ni Lala sa isang referee sa larong
basketball, (na) kung saan ang kaibigan o kapamilya nito ang isa sa mga player. Mahirap umano
para sa karamihan na tingnang patas ang gagawin nitong desisyon lalo na’t may malapit sa
kanyang sangkot sa isyu.”

BASAHIN  2024: Isang milyong bagong trabaho


Siguro, mag-focus na lang si Ronnie sa kanyang singing career at huwag nang makisawsaw sa
isyu na wala siyang kaalam-alam, gamit ang pangangatwiran na kagaya nang “dumkopf” na
vloggers, saad ng isang legal researcher.


Kakasuhan kaya si Liang ng Korte dahil sa mga komento nito? Abangan!

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA