33.4 C
Manila
Sunday, July 13, 2025

Top 6 wanted ng Las PiƱas nalambat sa tip ng ‘Marites’

Nalambat ng pinagsanib na puwersa ng Las PiƱas CPS Warrant and Subpoena Section (WSS) at Station Intelligence Section (SS) ng Las PiƱas City Police Station (CPS) ang top six most wanted person sa ikinasang manhunt operation matapos makakuha ng impormasyon mula sa mga ‘Marites’ ng Barangay Talon, Las PiƱas City.

Inaresto si Rodalyn Icayan, alyas Roda, 31-anyos, bandang 4:10 kamakalawa ng hapon sa  Saint Louie Village, Barangay Talon 3, Las Piñas City sa bisa ng warrant of arrest.

Si Icayan ay mayroong pending warrant sa kasong robbery na may  Criminal Case No. 20-0491 na inisyu ni  Honorable Judge Pia Cristina B. Bersamin-Embuscado ng Regional Trial Court Branch 198, Las Piñas City, na may petsang September 7, 2023. 

BASAHIN  Misis ng sundalo na tinaniman umano ng armas at bala, umalma; kaso laban sa mga pulis, inihahanda na

Nabatid na naaresto ang akusado sa masusing pagkalap ng impormasyon ng mga tauhan ng Las PiƱas Police sa pamumuno ni Col. Jaime Santos na kung saan ay nagtanung-tanong sila sa lugar hanggang makakuha ng detalye kung saan nakatira ang suspek.

Kasalukuyang nakakulong ang akusado sa Custodial Facility ng Las PiƱas City Police Station

BASAHIN  Nartatez: ā€˜Di lahat ng PNP vehicles puwede sa EDSA bus lane

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

818,000FansLike
50FollowersFollow
93,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA