33.4 C
Manila
Wednesday, January 22, 2025

Paglabag sa ‘premature campaigning’ talamak sa anim na lungsod sa NCR

TINUKOY ng Comelec o Commission on Elections ang anim na lungsod sa National Capital
Region na may pinakamaraming paglabag sa “premature campaigning” para sa nalalapit na
barangay at SK elections sa Oktubre 30.


Ayon kay Comelec Chair George Garcia, ito ay ang mga lungsod ng Maynila, Quezon,
Parañaque, Las Piñas, Taguig, at Caloocan.


Ilan sa sa mga paglabag ng mga kandidado sa naturang lungsod ay posting sa Facebook at iba
pang social media platforms ng kanilang kandidatura, pamamahagi ng gamot o pagkain na may
pangalan at larawan nila, cake para sa mga may birthday, at raffles na may papremyo tulad ng TV
at bigas.


Na-monitor din ng Comelec ang mga paglabag na ito sa lalawigan ng Rizal, Bulacan, Batangas,
Bataan, Nueva Ecija, Laguna, Cavite, Tarlac, Cebu, Pampanga, Camarines Sur, Albay, Sorsogon,
Bukidnon, Cotabato, Leyte, at Negros Oriental.

BASAHIN  Record breaking: 305 UP Summa cum laude


Nitong Miyerkules, pinadalhan ng Comelec ang 469 kandidate ng “show cause order” mula sa
mahigit 117 reklamong kanilang natanggap. Pinagpapaliwanag ang bawat kandidato kung bakit
hindi sila dapat ma-disqualify sa darating na eleksyon.

Samantala, sinabi ni Garcia na kahit alisin ng mga lumabag na kandidato ang kani-kanilang
nakapaskil na tarpaulin, o burahin ang bawal na post sa social media, hindi pa rin sila ligtas sa
kasong paglabag sa maagang pangangampanya. Itinuturing na silang kandidato matapos mag-file
ng certificate of candidacy sa Comelec.


Ang opisyal na campaign period ay mula Oktubre 19 – 28, 2023.

BASAHIN  Belmonte, Sandoval, Da best mayors sa NCR

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA