33.4 C
Manila
Monday, March 31, 2025

Gov’t. employees libre ang sakay sa MRT-3

MAY ibibigay na libreng tatlong araw na pagsakay sa Metro Rail Transit Line-3 (MRT-3) para sa mga empleyado ng pamahalaan bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng 123rd Philippine Civil Service Anniversary mula Sept. 18 hanggang 20.

Ayon kay MRT-3 Officer-in-Charge Jorjette Aquino, ang libreng sakay ay para sa mga biyahe ng MRT-3 mula Taft Avenue station sa Pasay City hanggang North Avenue station sa Quezon City.

“Kami po sa MRT-3 ay taos-pusong nakikiisa sa pagdiriwang ng anibersaryo ng Philippine Civil Service. Ang handog naming libreng sakay  ay simpleng pasasalamat sa lahat ng mga sakripisyo ng bawat kawani ng gobyerno upang magampanan nang tapat at maayos ang kanilang mga tungkulin,” ayon kay Aquino.

BASAHIN  Wanted sa rape huli sa warrant

Ipakita lamang ng mga government employees ang kanilang valid government ID para maka-avail ng libreng sakay sa tren.

Ang libreng MRT rides para sa mga government employees ay magsisimula sa September 18  hanggang 20 mula 7:00 ng umaga hanggang  9:00 ng umaga at 5:00 ng hapon hanggang 7:00 ng gabi.

BASAHIN  2 high value tulak nasakote sa ₱476-K shabu sa Pasig

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
87,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA