Aktibong pamahalaan, kailangan – VP Sara

0

IDINIIN ni Vice President at DepEd Secretary Sara Duterte ang kahalagahan ng aktibong
presensya ng pamahalaan sa mga komunidad para tuldukan na ang rebelyon sa bansa.


“When communities have increased access to education, economic opportunities, healthcare
services, and other government initiatives — terrorists will have lesser chances to access them,”
sinabi ni Duterte sa tatlong araw na Peace Village sa SM City Annex, Davao City.


Sinabi niya na ang isang aktibo at mahusay na pamahalaan ay isa sa pangunahing daan para
magkaroon ng kapayapaan sa bansa.


Hindi raw maaaring ipagkanulo ng mga tao ang isang pamahalaan na buong katapatang
naglilingkod sa mamamayan nito, saad ni Inday Sara.


Bilang pagkilala sa pagiging “insurgency-free” ng buong Davao Region, isa itong mahalagang
okasyon sa Davao, dahil sa pagnanais ng mga mamamayan nito na magkaroon ng
pangmatalagang kapayapaan at kaunlaran.

About Author

Show comments

Exit mobile version