33.4 C
Manila
Monday, December 23, 2024

Chinese national huli sa armas at droga

Arestado ang isang Chinese National matapos pumasok sa Pearl Entry, Okada Manila, Entertainment City at mahulihan ng 1.77 gramo ng shabu, ecstacy at isang .45 caliber na baril sa loob ng kanyang dalang back pack nang ipasok sa security scanner sa Barangay Tambo, Parañaque City.

Agad na dinampot si Wan Liang, 40-anyos na Chinese National at kinasuhan ng paglabag sa Republic Act 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act, Batas Pambansa 881 Violation of the Omnibus Election Code, at Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Naganap ang pag-aresto habang papasok ang suspek sa Pearl Entry ng  Okada Manila na kung saan ipinasok sa security scanner ang kanyang dalang bag at doon na nakita ang kanyang baril na ,45 caliber loaded with seven live ammunition at isang  transparent plastic sachet na naglalaman ng  1.77 gramo na nagkakahalaga ng ₱12,036.00, isang zip-lock plastic sachet na may dalawang pink tablets na hinihinalaang ecstacy na nagkakahalaga ng  ₱3,400.00, ilang   identification cards at cash money na aabot sa  ₱710.00.

BASAHIN  Ex-taxi driver buking sa pagpasabog sa NAIA Terminal 3, nahuli na

Ayon kay Duty physical security officer Jayson Casa, naghinala na siya sa laman ng bag ng suspek dahil parang nag-aalinkangan ang suspek na ipasok sa scanner machine at nang makita ang laman ay agad na tinawag ang kanyang  supervisor.

Agad namang kinontak ng security bg Okada ang Tambo Substation na maagap na nagresponde at inaresto ang Chinese national.

Kasalukuyang nakakulong ang suspek sa Tambo custodial facility habang inihahanda ang isasampang kaso laban sa kanya.

BASAHIN  Most wanted ng Antipolo nasakote

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA