33.4 C
Manila
Wednesday, January 22, 2025

Paulit-ulit na kapalpakan ng PNP, kinondena ni Tulfo

NAGHAIN si Senador Idol Raffy Tulfo kamakailan ng Senate Resolution No. 767.


Ang resolusyon ay naglalayong imbestigahan ang mga napaulat na pang-aabuso at paglabag sa
karapatang pantao ng ilang miyembro ng PNP na hindi sumusunod sa police operational
procedures.


Binanggit ni Tulfo ang ilang palpak na operasyon ng miyembro ng PNP o Philippine National Police,
kabilang ang mga operatiba nito sa Pandi, Bulacan at Rodriguez, Rizal.


Inilahad ni Tulfo ang isang insidente noong Agosto 12 kung saan pinasok ng kapulisan ng Pandi,
ang ari-arian ni Rodelio Vicente dahil umano sa isinasagawang manhunt para sa isang alyas
“Elmer.”


Nauna nang humingi ng tulong si Vicente sa “Raffy Tulfo in Action,”at sinabing siya’y inaresto ng
mga pulis PNP dahil sa umano’y kaso ng” direct assault and disobedience to a person in authority”, kahit walang naipakitang warrant of arrest.

BASAHIN  Gsis coverage ng sk, Barangay officials, Isinusulong


Idiniin ni Tulfo, ang nasabing mga pulis ay hindi naka-uniporme pero nakasuot sila ng ski masks sa nasabing operasyon. Sinaktan pa nila ang babaing anak ni Vicente.


Ang masaklap pa, pati ang lalaking anak ni Vicente na bumisita sa presinto ay ikinulong din ng mga pulis dahil sa kasong katulad ng sa kanyang ama.


Inalala rin ni Tulfo ang kaso ni John Francis Ompad na pinatay ni Police Corporal Arnulfo Sabillo ng
PNP Rodriguez, Rizal nitong Agosto 20.


“Aforementioned two incidents happened within the same month; and just weeks after the death of Jerhode Jemboy Baltazar who was killed by PNP Police Operatives from Navotas under a claim of mistaken identity. The operation was found to have had several irregularities and non-compliance with the PNP Police Operations Procedure,” saad ni Tulfo.


Idiniin in Tulfo na ang proteksyon ng karapatang pantao ay isa sa pangunahing karapatan na naka- saad sa ating Konstitusyon, kaya dapat na mahigpit na sundin ito ng mga pulis, gayundin ang Police Operational Procedures, o kaya’y, they will have to suffer the consequences.

BASAHIN  Angara sa mga kontra CSE: Bukas ang DepEd sa inyong mga mungkahi

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
87,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA